Dahil sa isang pandemyang hindi natin inaasahang mangyayari, naging masalimoot ang pamumuhay ng karamihan lalong lalo na ang mga kababayan nating nabubuhay base sa pang-araw araw lamang na diskarte.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Naging limitado ang galaw ng mga tao at pati mga trabaho ay apektado, yung mga sinasahuran na arawan ay siyang naging lubusang apektado dahil nung ipinatupad ang enhanced community quarantine halos wala silang kinita.
Dahil dito, wala silang sapat na pera para matustusan ang pang-araw araw nilang mga pangangailangan, kawawa pa ang may mga maliliit na anak na kinakailangan ng sapat na aruga, gatas at bitamina.
Katulad na lamang po sa sitwasyon ng pamilyang ito na kahit pambili ng gatas para sa kanilang bagong silang na sanggol ay wala silang maibili, kaya para magkalaman ang tyan ng sanggol ay pinainom nila ito ng ‘am’ o ang tubig mula sa pinakuluang sinaing.
Kaya naman kumakatok sa inyong puso itong si Lean Javier upang humingi ng kaunting tulong para sa anak ng kanyang kamag-anak na si Marlyn Borabo.
“Hi. ako po’y humihingi ng unting panahon na basahin po itong aking panawagan sa isang pamilyang hindi makatarungang pang yayari dito sa aming lugar sa Isla Pulang Bato Brgy. Bagong Silang, Quezon City, kakapanganak ng lola ko na si Marlyn Borabo nitong March lang po at yung asawa niya po ay kasalukuyang walang hanap buhay, gawa ngayong C0vid-19.
Dagdag niya,
“Sila po ay kapuspalad na halos wala na pong pang kain at yung baby po ay nilulutuan na lang ng AM pang palit sa gatas. Kami pong mga kamag-anakan ay wala pong kakayahan na makapag abot kahit kaunting gatas kahit sa pack lamang po sa kadahilanan kahit po kami ay kapus na kapus sa pang araw araw na pangangailangan. Ako po ay humihingi ng kaunting tulong para sa kanila, sana po matulungan po sila.”
May ilang netizens na nabahala dahil sa ipinapainom na ‘am’ para sa sanggol dahil napakabata pa raw nito para rito at baka hindi matunawan ang bata. Hindi rin kasi [email protected] ang sanggol dahil maging ang kanyang ina ay walang sapat na nutrisyon.
Samantala, mayroong mga mabubuting loob na netizens na nagpaabot ng tulong sa kanilang pamilya at nagbigay ng mga diapers at gatas sa bata. Ilang mga mommies ang nagbigay rin ng kanilang tips para sa [email protected] dahil mas healthy raw ito lalo na sa mga bagong panganak na sanggol.
0 comments :
Post a Comment