Dulot ng mga makabagong teknolohiya, mas napabilis ang trabaho ng bawat isa at access sa kung anu mang impormasyon gamit ang mga mataas na kalidad ng teknolohiya.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Gaya na lamang sa ngayong panahon na kung saan, limitado ang bawat galaw ng tao, upang maisakatuparan pa rin ang edukasyon ng bawat kabataan, mayroong mga klase na ginagawa sa online upang maturuan pa rin ang mga kabataan kahit na hindi magkaharap sa isa’t-isa.

Sa pagdaan ng mga panahon, mas marami pang mga natutuklas na mga imbensyong kabibiliban ng lahat, Ilan lang sa mga ito ang bamboo incubator, microchips na ginagamit sa computer, at maging ang antibiotic na Erythromycin.

At isang bagong imbensyon ang nagpahanga na naman sa mga tao, isang gawang pinoy kung saan ito ay isang sapatos na may kakayanang mag-charge ng cellphone. Tiyak na kapag naging successfull ito makakatulong ito sa mga mag-aaral natin.

Ang mga nakaimbento nito ay sina Miguel Ortega, Otto Uylangco at Creo Baylon, pawang mga estudyante mula sa Philippine Science High School.

Ayon sa ulat, pitong buwan lang ang ginugol ng tatlo upang mabuo ang high-tech at malikhaing imbensyon.

Gumagana ito sa pamamagitan ng tinatawag na Piezoelectric Magnetic Set-up.

Gamit ang gadget na nakalagay sa sapatos, ico-convert nito ang pressure o vibration na dulot ng paglalakad para maging electricity na may kapasidad mag-charge ng cellphone.

Ang bawat yapak ay maglilikha ng 10milliwatts na kuryente. Kaya kung nanaising i-full charge ang isang regular na cellphone ay mangangailangan lamang ito ng 500 na hakbang.

Nagwagi ang imbensyon ng tatlong binatilyo sa Project Tuklas na nilahukan ng iba’t ibang eskwelahan sa Metro Manila.

Paliwanag ni Miguel, layunin raw nilang palawakin pa ang imbensyon para mas gawin itong kapaki-pakinabang.

“Sa next phase po kasi gusto po namin na parang may taga-store ng electricity para magamit po ‘to para mag-power ng mas maraming devices.” saad ng estudyante.

Talaga ngang napaka malikhain ng pilipino at sa kanilang murang edad, malayo pa ang kanilang mararating. Goodluck guys.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment