Aminado naman tayo na hindi lahat ng mga magulang o Ina ay perpekto, na kasing ma-aruga at mapagmahal tulad ng iba nating nakikitang nanay. Pero kahit ganun ay wala tayong karapatan na sila ay saktan, lalo pa kung sila naman ay naging mabuting magulang.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Kung hindi man mabuti ang ilan sa mga inang ating nakilala, sana naman ay maging mabuting anak nalang tayo sa kanila. Katulad na lamang ng isang pangyayari na kamakailan ay ibinahagi sa isang Facebook post kung saan pinagpapalo ng tabla ng anak ang kanyang Ina hanggang sa masira pa ang tablang ito.
Nagmula sa isang Facebook page na “Titang Sultan News” makikita sa mga larawan ang hindi magandang sinapit ng Ina mula sa mga kamay ng kanyang anak na lalaki, pinapalo ng tabla daw siya hanggang sa masira ito.
Nakilala ang anak ng biktima sa pangalan na Marlon Siriban. Sa sakripisyo at hirap na ginawa ng kaniyang ina para sa kaniya para lamang bihisan at palakihin siya ng maayos mula ng siya ay isinilang sa mundo hanggang sa nagkaroon na ng sariling desisyon sa buhay, ang ganti lamang ng mapanakit na anak nito ay saktan at pagmalupitan ang kaniyang ina.
Si nanay ay nakatira sa Lal-lo Cagayan at dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para manghingi ng tulong sa beteranong mamamahayag para sa kaniyang pagpapagamot at para na din maparusahan ang anak na walang awa siyang sinaktan.
Ang ina na ito ay puro pasa at sugat sa mukha dahil sa pagmamalupit ng kaniyang anak sa kaniya. Kaya naman nais ng mga kapatid at kaanak ng biktima na sana ay mahuli itong si Marlon para pagbayaran niya ang ginawa niya sa kaniyang ina.
Basahin sa ibaba ang kabuuang post:
“Isa na namang nakakaawang ina ang sinaktan ng sariling anak. Pinagpapalo ng malapad na tabla ang mukha at iba pang bahagi ng katawan ng sarili niyang ina. Ginawa niyang parang chopping board ang mukha ng sariling ina.
“Kaya naman nanawagan ang mga kapatid at kaanak ni nanay na sana madakip itong si (marlon siriban jr.).”
Wala na sanang tutulad pa sa mga ganitong klaseng anak , mahalin natin ang ating mga magulang hanggang sila ay nandito pa sa mundo, dahil yung ibang anak nga hindi man lang nasilayan ang kanilang mga magulang.
0 comments :
Post a Comment