Umani ng batikos mula sa netizen ang award winning program ng GMA Network na Kapuso Mo Jessica Soho dahil sa umanoy scripted na documentary nila sa isang guro.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Pagkatapos ma ere ang nasabing episode sa programa ng Kapuso Mo Jessica Soho, May ilang litrato kasi na kumakalat sa social media na nagpapakita na ang nasabing guro na umanoy lumalangoy para maghatid ng module ay nakasakay sa bangka.
Marami sa mga netizens ang hindi natuwa na tila scripted lamang lahat ng pinakitang dedikasyon ng guro.
Ayon sa netizen: ”
Lumitaw na ang katotohanang tinatarantado ninyo ang mga tao. Ano na jessica soho…..buwis buhay ba kamo?Awan maaramid sa biag mo miss soho?Gma-7….. wala kayong pinag iba nung isa.Serbisyong panloloko lang, nakatutok kayo para makabato lang kayo sa mga taong matitino 24/7.May bangka naman pero binansagan pa ninyong BUWIS BUHAY.Lahat ng mga kulang sa pansin ay isang buwan ko po kayong inaanyayahan na tumira sa akin at libre pagkain po. Isang buwan ko kayong pauulamin ng LECHON de LECHE.”
Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, naging hamon hindi lamang sa mga mag-aaral at magulang kundi pati na rin sa mga guro ang pagpapatuloy sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa makabagong paraan kagaya na lamang ng Modular Distance Learning (MDL), Online Distance Learning (ODL), at TV/Radio-Based Instruction.Malaking hamon ito sa lahat lalo na sa mga magulang sa paggabay sa kanilang anak.
Ilan sa mga naging hamon ay ang pagpaparating ng mga module sa mga liblib na lugar, mahinang internet connection, maling mga learning materials at marami pang iba.
Marami na rin sa mga kabataan ang napabalitang masyadong na depress dahil di umano sa maraming module na binibigay at mabilisan na deadlines.
Maging ang mang-aawit na si Lea Salonga ay umalma sa mga naglabasang error sa mga module at learning materials na ipinamamahagi sa mga mag-aaral. Sana ay ma resolba na ito at magkaroon na ng solusyon sa pandemyang ito ng alahat tayo ay makabalik na sa normal nating pamumuhay.
0 comments :
Post a Comment