Walang basura sa mata ng mga taong malikhain at masipag. May kasabihan nga na mayroong pera sa mga basura, hindi literal na pera na makikita mo, kundi may pwedeng gawin sa mga basura upang pagkakitaan.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Alam nyu ba na ang mga lumang gulong ay marami pang pwedeng gawin upang magamit ito? katulad na lamang ng mga “flower pot” pwedeng gawing duyan, at katulad nga ng ginawa ng lalaking ito.
Alam naman natin na milya milya ang maaaring itakbo ng isang sasakyan kaya naman tila isang napakagaling na ideya ang gawing tsinelas ang goma ng iyong mga gulong ng sirang sasakyan. Tiyak daw ay na hindi ito agad masisira at kung tibay talaga ang usapan ay hindi siguradong maaasahan dito sa ganitong uri ng tsinelas.
Makikita ninyo sa larawan ang mga tsinelas na gawa sa gulong. Sa Ingles ay tinatawag itong “TIRE SANDALS” o “TIRE SLIPPERS.”
Magaganda ang mga disenyo ng ganitong tsinelas at ginagarantiyahan na matibay ang mga ito.
Nagsimula ang mga ganitong tsinelas sa bansang Kenya at mga ilang merkado sa bandang silangan ng Africa.
Sa bansang Kenya ay tinatawag na “Ten Thousand Milers “ dahil kaya daw nitong marating ang nga milya milyang layo sa pamamagitan ng paglalakad. Nagkakahalaga ito ng mahigit $40 at maaari itong tumagal ng dalawang hanggang tatlong taon. WOW NA WOW diba?
Samantala ang paggawa ng ganitong klaseng tsinelas ay hindi lang makakatulong sa mga pansarili nating kapakanan bagkus malaking tulong din ito sa ating kapaligiran dahil imbis na sunugin ang mga gulong na nagdudulot ng polusyon sa hangin ay gawin na lang itong mga tsinelas na tulad ng mga nakito ninyo sa mga larawan.
0 comments :
Post a Comment