Sa mundong ating ginagalawan ay mayroong iba’t ibang uri ng kwento at paniniwala na naka base sa ating kinalakihang kultura at relihiyon. May mga tao o sekta na hindi naniniwala sa mga mahika at milagro, subalit may mga grupo naman ng tao na naniniwala dito at may malalim na paliwanag sa bawat kaganapan.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Marami ang naniniwala sa tinatawag na ‘himala’ at marami din ang nagsasabing walang “himala” ito ay mga pangyayaring nagkataon lamang. Mayroon namang naniniwala sa mga maiitim na kapangyarihan na minsan ay naririnig nating ginagamit para sa kalaban.
Sa mga lumipas na taon, hindi natin lubusang alam ang katotohanan sa mga pinagmulan ng lahat ng bagay, tayo ay nakabase lamang sa mga kwento at sulat sa libro, kung ito nga ba ay makatutuhanan o gawang imahinasyon lamang.
Katulad na lamang sa nadiskubreng bagay na ito ng isang bartender na parang isang bagay na may sinisimbolo at ibig sabihin.
Isang bote ang nadiskubre ng bartender na isa ring Avid Relic Hunter na si Shane Mears na mula sa New Orleans 52 taong gulang. Ito ay nag lalaman ng isang pirasong ngipin, mga hibla ng buhok at tila maruming tubig.
Mahilig daw talaga si Shane na mag libot at mag hukay ng mga antic na mga bagay sa iba’t ibang lugar. Kaya naman kinilabutan siya nang makita ang bote na ito.
Upang makahingi ng opinion, kaniya itong ipinost sa social media at samu’t sari naman ang mga ibinahagi ng netizens patungkol sa bagay na kanyang nahukay.
Ang ilan ay nag sasabing ibalik ito sa kung saan nakita pagkat maaaring makapag dala ng malas. Samantala ang iba ay sinabing ayos lamang na itapon na lang ito at huwag nang paki alaman kung ano man ang nasa loob.
Tinatayang 1800s pa ang tanda ng bote na ito kaya naman sinasabi ding malabong pangungulam pagkat hindi pa uso ang pangungulam noong mga panahon na iyon.
Ano nga kaya ang totoong estorya ng bagay na kanyang napulot? mayroon ba kayong kaalaman tungkol dito?
0 comments :
Post a Comment