Noong unang panahon, hindi pa uso ang pagtatago ng pera sa mga banko, kaya ang ginagawa ng mga matatandang mayaman noon, kanila itong binabaon sa mga lupa gamit ang baul o kaya ay garapon.
Kadalasan ay ginagawa nila ito upang hindi mabilis na matukoy ng mga magnanakaw at mayroon silang maipamana sa kanilang mga kaanak kapag sila ay nawala na sa mundong ito.
You May Also Read:
Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.
Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.
Kalimitan sa gumagawa ng mga ganito ay ang ang mga taong naninirahan sa kabundukan o malayo sa kabihasnan.
Marami na rin tayong nabalitaan na mga taong naghuhukay ng mga lumang kagamitan o di kaya naman ay salapi, ito ay dahil na nga sa mga itinagong yaman ng ilan sa ating mga ninuno.
Ngunit may ilan naman sa bagong henerasyon ngayon na ginagawa rin ang ganitong pagtatago ng kanilang salapi, upang ingatan ito.
Tulad na lamang ng pangyayaring ito na usap-usapan ang daang libong halaga ng mga lumang salapi na nahukay ng mga construction workers noong Miyerkules, sa isang covered court sa barangay Telaje Tandag City, Surigao Del Sur kung saan ay tinatrabaho nila ang perimeter fence ng nasabing covered court.
Iba’t ibang denominasyon ng salapi ang nahukay, mayroong 5,10,20,50,100,200,500 at 1000 na kung pagsama-samahin ay aabot sa halos Php300,000 ang halaga. Base kay Police Regional Office 13 spokesperson Police Maj. Rennel Serano, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila nalaman kung kanino at sino ba ang nagmamay-ari ng mga salaping nahukay. “So far, hindi pa nakilala sino ang may-ari ng ibinaong pera sa may perimeter ng covered court”, saad nga ni Serano.
Ayon pa nga kay Police Maj. Rennell Serano, ang halaga ng salapi na nahukay ay tinatayang aabot sa Php300,000 ngunit nasa Php19,000 na lamang ang nai-turn over ng mga construction worker na nakahukay nito.
Sa pahayag na naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga nahukay na lumang pera ay wala ng monetary value at hindi na maaaring mapalitan sa anumang bangko. Ito ay maaari na lamang umanong gawing mga collector’s item.
Hanggang ngayon nga ay palaisipan pa rin sa mga taga barangay Telaje, kung bakit ibinaon ang ganoon karamin salapi sa may covered court, at kung sino ang nagmamay-ari nito.
You May Also Read:
Bahay na Binili ng Mag-Asawa, Nakadiskubre ng Limpak-Limpak na Pera Sa Bawat Sulok Nito.
0 comments :
Post a Comment