Ang programa ni Sir Raffy Tulfo ay sikat dahil sa marami na nitong natulungan na ating mga kababayan. Hindi lamang dito sa bansa kundi pati na yung mga kababayan nating OFW.
You May Also Read:
Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.
Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.
Noong mga nakaraang araw ay muling nag trending ang isa sa mga episodes ng kanyang palabas, ito ay ng may dumulog sa kanyang programa na “Wanted sa Radyo” ito ay isang magsasaka ng Brgy. Danus sa Leyte na si Ismael Malabat.
Nalaman na ang kanyang pakay ay humiling lamang ito ng kalabaw gayung wala silang ginagamit na kalabaw sa pag-aararo. Madalas pa umano silang pagtawanan ng kanyang anak dahil ang hinihila dapat ng kalabaw ay tao ang gumagawa at siya nga ito.
Dahil dito labis na naantig ang puso ni Tulfo sa kalagayan ni Tatay Ismael. Noon lamang daw siya nakakita ng gawain sana ng kalabaw sa sakahan na tao ang gumagawa. Kaya naman bukod sa Php38,000 na pambili ng kalabaw ni Tatay Ismael, ginawa na niya itong Php100,000 kasama na ang iba nilang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Naisipan din ni Tulfo na papuntahin ang isa nilang staff sa lugar mismo ng magsasaka upang makita ang kalagayan nito. Nang makita niya ito pansamantala sa video call, nakita nila ang butas-butas na bubong at kakulangan sa kagamitan sa bahay. Kaya naman magbibigay na rin ng mga gamit sa bahay si Tulfo at ipaaayos pa nito ang tahanan ni Tatay Ismael.
Narito ang kabuaan ng nakakaantig ng pusong pagtulong sa magsasaka ng kanyang ‘Idol Raffy’:
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment