Ang pagiging Ina ay isang Biyaya ng Panginoon sa lahat ng kababaihan, subalit hindi lahat ay naka experienced nito at ang katotohanan ay ang pagiging ina raw ang isa sa pinaka mahirap na responsibilidad sa buhay ng isang babae na biyaya mula sa Diyos.
You May Also Read:
Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.
Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.
Isa rin sa pinaka masaya dito kapag dumating na ang oras na masilayan mo na ang iyong anak ay tiyak na halo halong emosyon ang iyong mararamdaman dahil sa labis na pagmamahal at pag hihintay.
Sa kabila ng masayang karanasan ay dadating din sa puntong magkakaroon ng matinding sakripisyo na tanging ang ina lang ang makakapagdesisyon. Katulad na lamang nitong kwento ng isang Ina na nag viral sa facebook.
Nakilala ang ina na ito na si Lian Ronghau na kung saan kinakailangan niyang mamili sa kaniyang dalawang anak na kung sino ang nais niyang piliin upang maisalba ang buhay. Aniya, nangangailangan ang kanyang dalawang anak ng kidney. Ang kanyang 24 anyos na anak na si Li Haisong at 26 anyos na si Li Haiqing.
Nais man ng ina na mabuhay ang dalawang anak ngunit isa lang ang pwede niyang ibigay na kidney. Sa kasamaang palad pumasa man ang kanyang mister sa screening test ngunit hindi pa rin ito pinayagan na i-donate ang kidney dahil sa ito ay highbl00d.
Bilang nakakatandang kapatid, sinabi ni Li Haiqing na ang pangarap ng kanyang kapatid ay doctor kaya naman ang tanging hiling nito sa kanyang nanay na unahin na ang nakakabatang kapatid na si Haisong.
Masakit man bilang Ina na mamili para sa kabutihan ng mga anak ngunit wala itong magawa kundi mag dasal at umiyak na lamang dahil ang bigat na kanyang nararamdaman ay hindi mapapantayan ng ibang bagay.
Walong oras ang itinagal ng operasyon sa anak kasabay nito na umaasa pa din na mailigtas si Haiqing sa pamamagitan ng isa pang donor ngunit ayon naman din sa pamilya kung sakali man may mabuting tao na mag donate ay hindi na nila kakayanin sa pinansyal para sa susunod na operasyon.
Masakit man bilang magulang na makaranasan ng ganitong sitwasyon kahit na gustuhin man natin na satin nalang mangyari ang mga ganito ngunit hindi natin mababago ang takbo ng panahon. Tanging panalangin at paniniwala na lamang ang ating maaasahan.
You May Also Read:
Bahay na Binili ng Mag-Asawa, Nakadiskubre ng Limpak-Limpak na Pera Sa Bawat Sulok Nito.
0 comments :
Post a Comment