May mga taong nasasanay na na matulog habang naka bukas ang electric fan dahil nagbibigay ito ng comfort sa kanila upang magkaroon ng mahimbing na pagtulog dulot ng malamig na temperatura.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Masarap nga naman matulog kapag medyu malamig ang paligid, may ibang tao na bago matulog ay umiinom ng malamig na tubig , lumalangoy sa pool para ma achieve ang magandang tulog.
Kapag nagkaka edad ka na diyan mo kasi mare-realize ang kahalagahan ng pagpapahinga na noong maliit ka pa ay pilit mo itong tinatakasan sa iyong ina.
May mga personal na dahilan ang bawat isa sa atin kung bakit gumagamit tayo ng electric fan sa pagtulog hanggang sa ating paggising.
Ngunit ayon sa mga eksperto may masamang hatid daw ang pagtulog habang naka electric fan. Narito ang iilan sa mga rason:
* Nagdudulot ng sipon at allergic reactions dahil sa alikabok na naiipon sa mga blade ng fan.
* Nakakapagdulot ng tuyong balat lalo na sa mga taong madalas ay may dry skin.
* Kapag sa ulo nakatutok ang fan, posibleng paggising mo ay magkaka sipon ka.
* Nagdudulot ng eye irritation, at kapag naka nganga sa pagtulog ay maging sanhi ng pagkatuyo ng bibig at lalamunan.
* Pwedeng magkaroon ng stiff o sore muscles pag gising, dahil ito sa lamig na binubuga ng fan.
Kaya maging mapagmatyag kapag ito ba ay iyong nararanasan sa tuwing gumagamit ng fan, ng sa ganun ay maiwasan upang hindi lumala ang karamdaman.
SOURCE: THE ASIAN PARENT
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment