Kung sinasabi ng mga lalaki na malakas daw sila, marami ang hindi yata mag-aagree dito. Dahil mas maraming hinaharap ang mga babae na pagsubok, marahil hindi lamang pinapakita ng mga lalaki ang kanilang kahinaan kung kaya’t nasasabi nilang malakas sila kaysa mga babae.
You May Also Read:
Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.
Maraming mga ganap sa buhay ng babae ang pilit nilang nilalabanan. Katulad na lamang ng buwanang dalaw na minsan ay naghahatid ito ng pasakit sa mga kababaihan at tinatawag itong dysmenorrhea.
Ang dysmenorrhea ay mas kilala sa tawag na menstrual cramps na nagaganap tuwing may regla ang isang babae. Nagdudulot ito ng paninikip sa matris (uterus), na siya namang nagdudulot ng pananakit sa mga bahaging nakapalibot sa balakang at sa lower abdomen. Ito rin ay maaaring magdulot ng pananakit ng likod, pagtatae, at pagsusuka.
Madalas itong nararanasan ng mga babae sa pagsisimula ng kanilang regla at maaaring tumagal ang mga sintomas nito ng tatlong araw. Bagamat hindi ito masyadong nakakaabala sa mga gawain sa araw-araw, ang dysmenorrhea ay maaaring dulot ng umiiral na kondisyon na kinakailangan ng pagsusuri.
Isang OB Surgical nurse ang nakaramdam nito na si Sarah Mae Abdo at kanya lamang ininda at hindi pinansin ang sakit na nararamdaman.
Pahayag niya, nasorpresa umano siya nang minsang sumailalim sa OB check dahil nadiskubre ang isang Dermoid Cyst na 9 CM ang laki sa loob ng kanyang kaliwang obaryo. Ang bukol na ito ay kasing laki ng ulo ng isang bagong silang na sanggol.
Sabi niya sa kanyang FB post, “This is to raise awareness for every woman who’s experiencing dysmenorrhea that seems to be normal.”
Ayon sa kanya, regular ang kanyang buwanag dalaw kaya malayo sa isip niya na may mas malalim na dahilan ang dinaranas niyang dysmenorrhea.
“… Cause I thought having a monthly dysmenorrhea was normal.”
Sa pamamagitan ng isang hindi planadong pagkakataon ay nalaman ni Sarah Mae na may bukol siya sa kanyang matres dahilan ng matinding dysmenorrhea tuwing menstrual period nang yayain siya ng kanyang ina na sumailalim din sa OB check-up.
“Nako may dermoid cyst ka, 9 cm na kasing laki ng ulo ng baby.” was the exact words of the OB-GYNE.
Ang cyst na ito ay binubuo ng buhok, fluid, teeth o skin glands na makikita sa balat o loob ng balat natin. Ang cyst na ito ay hindi masakit puwera na lang kung na-rapture ito. Tatanggalin lang ito ng mga dalubhasa upang ikaw ay gumaling.
Kung ikaw ay babae na nakararanas ng matinding period cramps tuwing may regla at malaki ang puson ngunit hindi naman busog ay marapat lamang na kumonsulta sa eksperto.
Wika nga ni ni Sarah Mae sa pagtatapos ng kanyang post, “This is for every girls awareness, have yourselves checked before it’s too late.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment