Isang kakaibang rebelasyon ang bumulaga sa mag-asawang taga Ohio nang maisipan nilang irenovate ang nabiling bahay. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay makakadiskubre sila ng salapi pati na rin ang kagulat gulat na sikreto ng dating may-ari nito.

You May Also Read:

Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.

Pulis,Umani ng Papuri sa Kanyang Ginawa sa Hiling ng Bata na Mayakap ang Kanyang Ama na nasa Kulungan.

Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.

Nagsimula silamg magrenovate sa basement, at habang nagtatrabaho ay may napansin silang plywood na nakausli. Napag-pasyahan ng mag-asawang unahin ang parte ng attic na iyon at tinanggal ang plywood. Nakakita sila ng graffiti sa dingding ma may iba’t ibang symbolo ang nakasulat.

Sa kisame, ay may napansin silang tila isang kahon na naipit sa pagitan ng mga kahoy. Kinuha nila ito gamit ang kanilang lakas dahil napansin ng mag-asawa na saktong-sakto ang pagkakaipit ng kahon sa mga ito.

Kinuha nila ang kahon na may kulay berde at silver. Medyo mabigat ito at mukhang sinadyang itago upang walang makakita.

Hawak-hawak ang kahon ay naexcite ang mag-asawa ngunit kinakailangan rin nilang mag-ingat dahil hindi nila alam ano ang laman ng kahon.

Sa sumunod na araw ay nagpasya na ang mag-asawa na buksan ang kahon, at mabuti na rin ang magkasama silang dalawa na buksan ito upang matulungan nila ang isa’t isa kung sakaling may hindi magandang mangyari.

Dahan-dahan ay binuksan nila ang kahon, dito ay nakakita sila ng lumang pera. Laking gulat nila nang malaman na puno pala ng pera ang kahon. Nakahiwalay sa bawat bundle ang mga pera. Tatlong bundle umano ang laman, ang isa ay puro twenties, ang isa ay puro fifties at ang huling bundle ay hundreds. Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa nadiskubre nila.

Binilang nila ang pera at nagsimulang magtaka kung kanino ito at bakit ito itinago sa kisame. Nagsimula magimbestiga ang mag-asawa at sa pinaka ilalim ng suitcase ay may nakita silang dyaryo.

Ang dyaryo ay nagmula pa sa 1951, at dito nila nakita na gawa sa Cleaveland ang dyaryo. Ito ang magiging susi sa kwento ng pera. Idinala nila sa FBI ang mga nakita nila, ang pera ay umabot ng $23,000 hindi pa kasama ang mga nakita nilang relo sa kahon.

Sumang-ayon naman ang FBI na may halaga nga umano ang mga lumang pera at gamit na nakita nila kaya naman ay naisipan ng mag-asawa na maghire ng abogado upang ma appraise ang mga kagamitan.

Panandaliang nagcelebrate ang mag-asawa sa kanilang nakitang kayamanan, at bumalik na rin sa plano nilang pagrerenovate. Muli ay nakakita sila ng isa pang maleta na mas mabigat kaysa sa una. Katulad ng dati ay iniisip nila na pera ang laman nito.

Nangbuksan nila ang maleta ay puro pera nga ang laman. Matapos nilang magdiwang ay plano ng mag-asawa na gamitin ang pera pambayad sa bahay at sa gastusin ng renovation. Umaabot na sa halagang $45,000 ang nakita nilang pera.

Kalaunan ay nagpasya ang mag-asawa na irenovate ang buong bahay. Doon ay may nakita silang lihim na pinto kung saan ay may nakakabagabag na kwarto. Lingid sa kaalaman nila ay hihingi na pala sila ng tulong mula sa FBI.

Napagtanto ng mag-asawa na mayroon umanong kwarto sa bahay na may heater ayon sa kanilang realtor. Ngunit nang buksan nila ang pintong ito ay niloko pala sila nito. Walang heater ang nakalagay sa kwarto kundi ay blanko ito at masyadong madilim.

Humingi sila ng tulong sa FBI, napansin nilang naka-soundproof ang kwarto at nagdududa na sila kung ano ang laman ng kwarto. Maaaring dito nagaganap ang iba’t ibang krimen. Nang silipin pa nila ang ibang parte ng kwarto ay may nakita na naman silang maleta.

Sa kabila ng kanilang pagdududa ay binuksan nila ito, hindi limpak-limpak na salapi ang laman tulad ng mga nakaraang maleta kundi mga relo, jewelry box, singsing, envelopes at iilang cash na mula sa iba’t ibang bansa.

Habang nag-aantay sa pulis ay may nakita pa silang safety box. Pakiramdam ng mag-asawa ay may kahindak-hindak na nangyayari sa kwartong iyon. Pagkabukas nila sa sentry box ay may sulat na naglalaman at nakasula rito ay “save yourself”.

May laman rin na VHS tapes ang sentry box at nakasulat sa isa sa mga ito ay ‘Do Not’. May anim na tapes ang laman ng box at lima rito ay mag mga label. Ibinigay nila ang mga ito sa FBI upang maimbestigahan ng mabuti. Walang ibang nakapanood sa mga ito kundi ang FBI.

Sa kabila ng mga nadiskubre ng mag-asawa ay masaya na rin sila dahil may kakaibang kwento at yaman ang kanilang bagong bahay.

You May Also Read:

Pinagkaguluhan ng mga Netizen ang isang Kakaibang Uri Ng Sea Creature na Namataan Sa Probinsiya Ng Romblon!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment