Bilang magulang, responsibilidad nilang alagaan at itaguyod ang kanilang mga anak hanggang sa sila ay matuto ng mamuhay na hindi naka dependi sa kanila.
Pero minsan ang mga nais nating gawin at pangarap ay nahahadlangan dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan. Kawawa ang mga kabataan kapag maagang nagkasakit nag kanilang mga magulang.
You May Also Read:
83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!
Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.
Katulad na lamang ngayon sa hinaharap na buhay ng isang batang si Jenny. Nakita ng isang vlogger ang bata sa tindahan kung saan ay nangungutang ng kape at asukal para sa kanyang ina na kumakalam na umano ang sikmura.
Ang vlogger na nakakita kay Jenny ay kilala sa pangalang “Virgelyncares”. Marami na siyang natulungan at isa sa mga ito ay ang 8-anyos na batang si Jenny.
May malubhang karamdaman ang ina ni Jenny kaya siya na lamang ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
Nang kausapin ng vlogger ang ina ni Jenny ay napagalaman niyang nabinat raw ito sa kanyang panganganak dahilan kung bakit siya nakahiga na lamang at hindi makakilos.
Nahihirapan na rin ang ina ni Jenny sa kanilang sitwasyon dahil napapabayaan na niya ang kanyang mga anak.
Si Jenny na lamang ang tanging nag-aalaga sa kanyang mga kapatid lalo na sa bunso.
Ang tatay ni Jenny ay isinasama umano ng mister ng may-ari ng tindahan sa kanyang trabaho upang kahit papaano ay mayroon itong kitain.
Napakabuti rin ng may-ari ng tindahan na inuutangan nina Jenny dahil kahit na matagal sila bago makapagbayad ay pinapautang pa rin sila nito.
Nang tanungin naman ng vlogger ang kung anong hiling ni Jenny ay sinabi nitong gusto niya ng kotse para makapamasyal umano sila ng kanyang pamilya. Ngunit sinabi ng vlogger na hindi niya ito kayang ibigay dahil wala siyang pambili ng kotse.
Kaya naman humiling na lamang ng limang sako ng bigas si Jenny na siya naman tinupad ng vlogger. Dahil dito ay lubos ang pasasalamat ng ina ni Jenny.
Marami ang humanga at sumaludo sa ginawang kabutihan ng vlogger. Hiling nila ay marami pa siyang matulungan na lubhang nangangailangan.
You May Also Read:
TIGNAN: Isang Ama na Nagtatrabaho Bilang Lineman,Isinuot ang Pakpak na Gawa ng kanyang Anak.
0 comments :
Post a Comment