Ayon nga sa isang kasabihan, “It’s better to give than to receive”. Masarap sa pakiramdam ang makapagbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan nito.
You May Also Read:
83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!
Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.
Ito ang pinamalas ng isang sikat na rockstar na si Jon Bon Jovi. Nagpatayo siya ng isang restoran na tinawag na “Soul Kitchen”. Ngunit hindi gaya ng ibang karaniwan restoran na itinayo bilang negosyo, ang restoran na ito ni Bon Jovi ay para makakain ang mga taong nangangailangan ng libre o kaya naman, puwede silang mag-volunteer kapalit ng kinain nila.
Sa iba naman na gusto pa ring magbayad, hinihilingan sila ng dalawampung dolyar bilang donasyon. At sa restorang ito, magkakasamang kumakain sa isang mahabang lamesa ang mga kustomer na estranghero sa isa’t isa.
Unang nagbukas ang Soul Kitchen sa New Jersey, kung saan isinilang si Bon Jovi. Simula noon, nakapagpakain na sila halos 100,000 kataong nangangailangan.
Hindi na rin kataka-taka para sa ibang mga kustomer na makita ang sikat na rockstar sa restoran. Paminsan minsan, si Bon Jovi mismo ang nagluluto ng pagkain para sa mga kustomer nila.
Kaya naman ang restorang ito na ipinatayo ni Bon Jovi ay nagpapakilos din naman sa mga tao sa komunidad nila na tumulong din sa mga nangangailangan.
Hindi lamang pagpapalago sa negosyo ang pangarap ng singer, kundi ang makapagbahagi rin ng kanyang natamasang buhay sa mga taong mahirap lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.
Nawa’y marami pang celebrities na katulad kay Bon Jovi ang bukal sa loob na magbigay ng tulong sa mga mahihirap. God see’s everything and will repay you for the good deeds you’ve done to others.
You May Also Read:
TIGNAN: Isang Ama na Nagtatrabaho Bilang Lineman,Isinuot ang Pakpak na Gawa ng kanyang Anak.
0 comments :
Post a Comment