Ayon sa mga kwento ng ating mga ninuno, talagang totoo ang mga masasamang espirito o elemento dito sa mundo na nagdadala ng takot at pangamba sa tao.
Kadalasan sa mga Probinsya ay nangyayari pa rin ito at mismong ating mga lolo at lola ang magpapatotoo. May mga misteryong nagaganap na minsan ay hindi natin alam kung totoo nga ba ito o gawa rin ng tao.
You May Also Read:
83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!
Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.
May mga kaganapan na minsan ay bunga na rin ng malawakang imahinasyon ng tao, katulad na lamang ng mga imaheng nakikita raw sa mga ulap, mga pader at sa iba pang mga bagay.
Subalit, naging palaisipan naman ang isang larawan na nakunan sa Santa Potenciana Church sa Barangay Sibaltan, El Nido, Palawan.
Sa isang Facebook post kasi ni Father Marvin Alili na kuha mismo mula sa cellphone ng isa sa kanilang mga sacristan ay makikita ang tila kakaibang imahe sa harapan mismo ng kanilang altar. Sabado ng gabi noon, Abril 17, 2021 nang makuhanan ang larawang ito.
“Kahit ako kinilabutan. Sa unang kuha ng camera wala pang bata, ‘yung pangalawang take niya meron nang bata,” Pahayag ni Fr. Alili.
Dagdag pa ni Fr. Alili, hindi naman ito ang unang beses na makaranas sila ng nakakakilabot na pangyayari dahil sa noon pa man ay nakakaramdam na rin ang kaniyang mga kasamahan sa kumbento. Kung mayroon daw silang mga natutulog na bisita doon ay madalas daw na nakakarinig ang mga ito ng iyak ng bata, mga yabag ng paa, at minsan pa nga ay kumakatok pa sila sa pinto.
Bagamat wala pang ano mang ebidensiya ay talagang naniniwala na ang mga residente doon patungkol sa mga pagpaparamdam na ito. Samantala, mayroon namang ibang opinyon ang cinematographer na si Joemarian Casidsid.
Ayon sa kaniyang paliwanag ay maaaring ilusyon lamang na nalikha ng camera. Posible na dahil isang anggulo lamang ang nakuha nito at malayo pa ang kuha ng mga larawan kung kaya naman hindi rin maitatanggi na maaari itong maging isang “camera illusion”.
Sa inyong opinyon totoo nga kaya ang imahe o sang ayon kayo sa pahayag ni Joemarian Casidsid?
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment