Halos nag-isang taon na na tayo ay nagtitiis at patuloy na lumalaban sa di nakikitang kalaban na dulot ng pandemyang ito, lalong humihirap ang kalagayan ng bawat tao, hindi paman tayo nakabangon sa mga nangyari noong nakaraang taon ay heto na naman at umaataking muli ang mga v1rus na ito sa lipunan.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Walang makain ang karamihan sa ating mga kababayan dahil sa nawalan na rin ng trabaho at pangkabuhayan, tanging ang pag-asa na lamang nila ay ang ayuda na galing sa Pamahalaan at ilang mga pribadong handog ng mga kapwa rin nating kababayan.
Dahil malaki na rin ang nagastos ng Gobyerno na pera dahil sa kalamidad na ito, kaya maliit na lamang ang ayudang natatanggap ng ating mga kababayan, minsan pa nga ay nagviral ang isang post ni Peter June Madjus patungkol ito sa matandang lalaki na nabigo pang makakuha ng isang libong ayuda mula sa Gobyerno, naulanan pa raw si Tatay subalit may kapalit rin palang swerte ang kanyang sakripisyo sa ulan.
Marami ang nagpahayag ng kanilang tulong kay Tatay na mula pa sa Bukidnon dahil sa kanyang pagpila sa ulanan upang makakuha ng ayuda ngunit nabigo lamang ito.
Ang eksenang iyon ay nakunan ng larawan at inupload sa Facebook ni Peter June A. Madjus. Makikitang nakatayo si tatay sa pila habang nababasa sa ulan dahil wala siyang payong.
Naawa si Peter at nanawagan sa nakakakilala kay tatay na mag-comment dahil nais nitong gumawa ng paraan para makatulong.
Agad namang may gumawa ng hakbang upang mahanap si tatay. May grupo ng magkakaibigan na nakita siyang naghihintay sa terminal. Hindi pa raw siya umuuwi dahil hindi pa nito nakukuha ang Php 1,000. Plano nitong matulog na lang daw muna sa terminal ng Malaybalay.
Ngunit marami ang nakipagtulungan para mabigyan si tatay ng maayos na matutulugan. May concerned citizen na kumuha sa kanya sa terminal at pinatulog siya sa lodge.
Habang may nag-aasikaso sa kanya, dumagsa naman ang tumugon sa panawagan ni Peter. Bumuhos ang pinansyal na tulong mula sa mga nagmalasakit. Kinabukasan, ibinalita niya na nakalikom siya ng mahigit Php 55,000.
Dinala nila si tatay sa grocery para makapamili. Bukod sa mga pangunahing pangangailangan, bumili din si tatay ng damit, pantalon, kumot at kaldero. At siyempre kasama rito ang raincoat at payong para hindi na siya mababasa pa sa ulan.
Umaapaw ang pasasalamat ni tatay sa lahat ng tumulong.
Tiniis niya ang pila para sa Php 1,000 na ayuda, ngunit naulanan na siya, nabigo pang makatanggap nito. Subalit ang determinasyon at tiyagang iyon para sa pamilya ay nasuklian ng mas higit pa. Malaki talaga ang naitutulong ng social media. Ngunit higit sa lahat, hindi rin ito mangyayari kung walang mga indibidwal ang nagmalasakit sa kanya. Pagpalain pa sana lahat ng nagbigay kay Tatay.
UPDATE
Karagdagang tulong nakuha ni Tatay mula sa netizens ay ipinadala thru GCASH sa pamamagitan ng concern netizens na si Peter June Madjus. Nakalikom ito ng mahigit 30,000 pesos para sa tulong sa matanda.
Narito ang kanyang salaysay:
as of 10:27 this morning mao ni Gcash Money na send sa akoa…
Better to be transparent… I will make sure sa tanan nga nag hatag kay tatay tru gcash and bank deposit and sa nagpadala sa palawan. Tanan ninyong gi hatag akoang ehatag nya even the last centavo… BISAN TUOD OG DLI KO HILIG OG POST PICTURE NGA MO TABANG SA UBANG TAWO, AKOA BUHATON RON PARA MAKOTA NINYO NGA ANG INYONG TANANG KWARTA MAHATAG NYA..
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment