Sa Gitna ng Kasalan ay Nakumpirma ng Ina ng Groom na Kanyang Anak din Pala ang Bride, Na Nagpaantala sa Seremonya.

Tila parang isang pelikula ang sinapit ng kasalang ito kung saan may nabunyag na isang rebelasyon na ikinabigla ng lahat.

Araw-araw ay tila sumpa para sa isang Ina na nawalay sa kanyang anak at hindi alam ang kalagayan nito, kung buhay pa nga ba at may nag-aalaga ng tama sa kanya.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Walang Ina ang gustuhing mawalay sa kanyang anak, subalit nangyayari ang mga ito dulot ng mga di inaasahang kaganapan sa buhay ng tao.

Tunghayan ang naging kwento ng karanasan ng isang Ina mula sa China.

Isang kasalan ang dinaluhan ng mga bisitang ito mula sa Suzhou, Jiangsu province noong March 31. Ngunit hindi nila inaasahan na magiging reunion pala ang kanilang dadaluhan.

Napaiyak ang mga bisita matapos malaman na ang bride pala ay totoong anak ng nanay ng groom. Matagal ring nagkawalay ang dalawa, bago tuluyang nagtagpo sa araw na ito.

Ayon sa mga reports, sa kalagitnaan ng seremonya ay napansin ng nanay ng groom ang isang kakaibang birth mark sa kamay ng bride.

Kilalang-kilala niya ang balat na iyon, dahil mayroon ring parehong birth mark ang anak niyang babae na nawalay sa kanya. Kaya naman tinanong nito ang mga magulang ng groom kung ampon ba ang bride.

Nagulat naman ang mga ito, dahil maging ang bride ay hindi alam na ampon lamang siya. Sa huli, inamin ng mag-asawa na hindi nila biological na anak ang babae.

Dito na nakumpirma ang hinihinala ng nanay ng groom! Napatunayan niya na ang anak na matagal nawalay sa kanya ay walang iba kundi ang bride.

Ayon sa nanay ng groom, sanggol pa lamang ito ng mawalay ito sa kanya. Ilang taon niya ring hinanap ang kanyang anak, ngunit hindi na sila muling nagkita.

Ilang taon ang nakalipas, nag-ampon siya ng anak na lalaki. Hindi niya inaakala na paglaki nito ay makikilala at magiging asawa pa nito ang nawawalang anak niya!

At dahil hindi sila magkadugo, natuloy pa rin ang kasalan ng bride at groom. Hindi naman makapaniwala ang mga bisita sa nasaksihan nilang nakakaiyak na pagtatagpo ng mag-ina.

Talagang napaka-mapaglaro nga naman ng kapalaran! Kadalasan, hindi natin inaasahan na ang bagay na hinahanap natin ay nasa ating harapan lamang.

You May Also Read:

Aso, Nag aagaw Buhay Habang Lumuluha ang Mata Matapos na Nilas0n ng mga Magnanakaw Dahil Nabigong Looban ang Bahay ng Amo Nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment