Ang tubig ay isa sa pinaka kailangan ng ating katawan upang mabuhay. Ito ang naglilinis ng ating mga organs upang mapanatiling malakas at malusog ang katawan. Kaya kahit anong layo pa ng kanilang pinagkukunan ng tubig, ito ay kanilang tinitiis upang mayroong magamit sa araw-araw.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Tinitiis ng isang 75-anyos na lola ang pagod at matinding init para makakuha ng tubig na kailangan niya sa araw-araw.
Nakatira si Lola Matilde sa Sitio Calibasan sa Toledo City, Cebu, na walang maayos na supply ng tubig.
Kaya naman kailangan ni Matilde na umakyat ng bundok para makakuha ng 12 litro ng tubig para magamit panglinis, panglaba at pati na rin pang-inom.
“Palagi akong nadudulas diyan sa daanan. Humahawak talaga ako nang mahigpit dahil nadadala ako ng aking karga na gallon. Gumulong talaga ako diyan. Napagulong ako,” saad ni lola sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.
Aniya, mayroon puwedeng kumuha ng tubig sa kanya, ngunit ang singil ay P35 kada galon na hindi niya kakayanin.
Kaya naman para makatipid ay inuulit ni Matilde ang paggamit sa tubig para hindi masayang.
Mahirap kasi kung marami kang ginagamitan, mabilis maubos. Pangkain sa baboy, iinumin, isasaing, doon din sa aso pinapanghugas. Tinitipid ang tubig. Hindi binubuhos. Imbes itatapon, ihuhugas pa, ayon kay Lola Matilde.
Dumulog na ang KMJS team sa local government ng Toledo, at nangako ang Department of Public Works and Highways 3rd District na iinspeksyunin ang nasabing lugar.
You May Also Read:
Dating OFW,Humihingi ng Tulong Dahil Hindi Malaman kung ano ang Sanhi ng Karamdaman.
0 comments :
Post a Comment