Kapag hindi napaghandaan at na planuhan ng wasto ang pagtanda mo, maaaring maging katulad ka rin ng iilan na palaboy-laboy na lamang sa kalsada, kahit pa man mayroon silang pamilya. Minsan sa iyong pagtanda, kapag wala kang pera, wala ka ring pamilya, maswerte na lang kung may Pamilya ka talagang mahal na mahal ka at handang alagaan.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Ang mga taong walang tahanan, at naka dependi sa panlilimos ay yaong mga pulubi na kadalasan ay mga batang inabandona, at matatandang walang Pamilya. Minsan ang mga matandang ito ay nagkaroon ng sakit dahil sa mahina nang katawan at nawawalan ng buhay na lamang sa lansangan.
Mayroon namang mga pulubi na mahilig mamilit kapag tinanggihan mo at mayroon namang nakakaintindi at kusang lumalayo kapag wala kang maibigay sa kanila.
Tulad na lamang ng isang Pulubi na ito na kahit minsa`y hindi namimilit, hindi rin nagsasalita at hindi nagmamakaawa para lang mabigyan.
Siya ay kinilala kay Fatima Othman sa tuwing may dumaraan sa kaniyang harapan ay kanya lamang itong tinitignan at makikita mo sa kanyang mata na puno ng kalungkutan.
Sa pamilya ni Fatima sila ay may bilang na walong miyembro sa pamilya, pero kahit isa sa kaniyang kamag-anakan ay walang nakakaalam tungkol sa pera niya ng kanyang naipon kaya walang magtatangka sa kanyang buhay at walang magsasamantala.
Kaya naman ng matagpuan ang labi ni Fatima Othman sa isang disabled street beggar sa isang lugar kung saan maraming abandonadong sasakyan sa Barbir district sa Beirut ay inisip ng mga imbestigador na ito ay isang trahédya lamang sa lugar kung saan ang siyudad na ito ay tinagurian “poor and homeless”.
Ngunit laking gulat ng mga internal security forces ng makita nila ang labi ni Fatima na may hawak itong 5 million lebanese pounds o ($3,400) at ang mas lalong ikinagulat ng mga awtoridad ay ng makita nila ang isang deposit book niya sa bangko na malapit sa kinaroroonan nila na mayroon itong savings na nagkakahalagang $1 million.
Ayon naman sa Brig. Gen. Joseph Musallen, direktor ng Internal Security Forces public relations division na inilabas ng Arab News na namatay ang 52-anyos na si Fatima Othman dahil sa heart [email protected]
“Finding the money and the savings book was a big surprise”, sambi ni Gen. Musallen.
Para naman sa kanila ay isang “well-known-figure” sa Barbir district si Fatima, dahil ang litrato kasi ng nasabing street beggar ay umani ng maraming atensyon matapos siyang tulungan ng isang sundalong lebanese na naka duty malapit sa ospital doon.
Tinulugan si Fatima ng sundalong uminom ng tubig dahil nga si Fatima ay hindi masyadong maigalaw ang paa at kamay.
Matapos nga daw ng pangyayaring yon ay pinuri pa nga ang sundalong tumulong kay Fatima ng kanilang army commander sa ginawa nitong “compassion and humanity”
Kwento naman ng isang taga roon na sa tuwing siya ay papasok ay nakikita daw niya si Fatima at nang tumagal raw ay sa tuwing makikita siya nito ay tinatanguan niya na ito at sa tuwing kakamustahin niya ito ang tanging isasagot lang ni Fatima ay “Alhamdulilah” na ang ibig sabihin ay “Praise be to God”.
At matapos nga na makita ang katawan ni Fatima na walang buhay ng mga Security Forces ay napag-alaman din nila na ito ay galing sa bayan ng Ain Al-Zahab sa Akkar sa hilagang lugar sa Lebanon.
Hinanap daw ng mga awtoridad ang mga kamag-anak ni Fatima at dito kinuha ng kanyang mga kamag-anak ang labi ng matandang si Fatima.
Wala naman kaalam-alam talaga ang kanyang pamilya tungkol sa pera ni Fatima kaya naman ito ang patunay daw na “That nobody was exploiting Othman by forcing her to beg”,
Matapos ang lahat ng ito ay hindi man lang na enjoy ni Fatima ang kanyang pera dahil nga takot siya malaman ng iba na siya ay may pera at maging mitsa ng kanyang buhay.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment