Kamakailan lang ay naging trending ang tinatawag nilang Community Pantry na umpisang ginawa ito ng isang Religious Group sa Las Pinas City, kung saan lahat ng mga makikitang groceries doon ay libreng makukuha ngunit dapat ay kung ano lamang ang pangangailangan ng bawat isa at magtira rin sa iba.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Matapos na masaksihan ito ng ilang mga grupo sa bansa, kanila ngang sinunod ito upang makatulong rin sa ibang lubusang nahihirapan. At yun nga ay mabilis na dumami na ang nagsagawa nito at may ilang nakita rin na mga kababayan nating inubos o sinimot ang lahat na paninda sa pantry na umani nga ng negatibong komento mula sa mga netizens.
Kaya naman lubusang hinahangaan yung mga taong kung iisipin ay mga walang kaya sa lipunan pero sila pa yung may malaking pusong mag-ambag at magbahagi rin ng kanilang tulong sa iba.
Gaya na lamang po ng isang matandang ito kung saan ay nagbigay ng isang basket ng gulay sa isang community pantry.
Ayon sa nagpost na si Kuya Jude Acepcion, may tanim na gulay si nanay Susan Abrazaldo sa kanyang bakuran sa Villlamin at walang sabi-sabi na ibinigay ang inaning gulay sa community pantry.
Narito ang buong kwento ng netizen na nakasaksi sa kabaitan ni nanay:
Ayoko sana gusto mag post about sa Mobile Kabisig Community Pantry ng aking mha kaibigan na may mabubuting puso kase baka mabash o ma issue lang.
Pero di ko mapigilan na gawin ang post na to upang patunayan na may mga tao parin na kahit anong hirap ay gusto parin magbigay kesa makakuha.
Pakilala ko lang si Nanay Susan Abrazaldo, may tanim sya na mga gulay sa kanyang bakuran, nakita niya kami dito sa Villamin na may Community Pantry, walang sabi sabi daladala niya ang isang basket na gulay upang ipamigay din sa nangangailangan ,
Isa lang si Nanay na simbolo ng BAYANIHAN AT TULUNGAN. Sa gitna ng pandemya, sana di maging issue ang pagtulong natin sa iba. Mas maraming tumutulong mas marami ang matutulungan na nangangailangan! Saludo ako sayo, Nay! God bless you po.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment