Isa sa pinaka tanging pangarap ng mga kababayan nating OFW ay ang mai-ahon sa kahirapan ang kanilang mga naiwang pamilya. Ito ay isang malaking sakripisyo na kanilang ginawa kahit pa man masakit sa kanilang kalooban ang mapalayo sa piling ng kanilang pamilya.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Kapag nakita nilang nasa maayos na ang kanilang pamilya, nakapagpatayo ng bahay, nakatapos ng pag-aaral ang mga anak, may ipon at nakapundar ng negosyo ito ay katuparan na ng kanilang pangarap at ng sila ay makauwi upang magpahinga at makapiling ang pamilya.
Subalit, tila kakaiba ang pagpupursige ng kababayan nating ito, na diumano’y kahit milyonarya na ay hindi naisipang iwan ang kanyang mga amo.
Siya po ay si Rosie Vargas Villas, nagsisikap rin sa abroad bilang yaya, napag-alamang isa na itong milyonarya subalit ayaw pa ring iwan ang kanyang mga amo.
Ano nga ba ang dahilan ni Rosie kung bakit hindi niya maiwanan ang kanyang employer?
Ayon kay Rosie walong taon na siya nagtatrabaho sa bansang Dubai bilang isang Yaya, Masuwerte daw siya sa kanyang among napuntahan dahil itinuturing siya dito bilang miyembro ng pamilya.
Sa pahayag ni Rosie sa “Global Pinoy Unlimited” Siya daw ang nag-aalaga ng anak ng amo nito mula noong maliit palamang ito hanggang sa lumaki na.
Kwento pa nito hindi daw yaya ang pagpapakilala ng amo nito sa kanyang alaga kung hindi “special auntie”.
“Rosie is not your nanny or a helper, she is your special auntie,’” -pagkukwento ni Villas na sinabi raw ng kanyang amo.
“Ako kasi kapag nag-aalaga ng bata minamahal ko eh. Iba talaga kapag ikaw ang nakagisnan niya mula noong maliit. The way ng pagmamahal mo sa kaniya, mas sobra pa minsan ‘yung pagmamahal ko kaysa sa nanay niya,” dagdag ng Rosie.
Kahit daw mga problema ni Rosie sa Pilipinas ay tinitulungan siya ng kanyang amo dahil para daw sa kanyang amo ay parti daw siya ng pamilya.
“Sinasabi nila, ‘Pamilya tayo, wala tayong taguan. Kung ano ‘yung problema mo problema namin. ‘Pag may problem sa bahay pag-usapan natin.
At saka huwag kang magtago.’ Talagang understanding ‘yung amo ko,’” -dagdag pa ni Rosie habang nagkukwento na mangiyak-ngiyak.
Si Rosie daw ay mayroong mga anak sa Pilipinas pero patuloy pa rin siyang naglilingkod sa kanyang amo sa Dubai kahit siya isa nang milyonaryo.
Isa sa kanyang inspirasyon para mag sumikap ay ang kanyang Pamilya at anak.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment