Netizens sinisi ang ‘kamalasan’ na hatid daw ni Pangulong Duterte kaya nagkaroon ng masamang panahon


Matapos dumaan ang bagyong Ulysses na nagpabaha sa mga ilang lugar sa Luzon. Tila naghahanap ang mga kritikong netizens ni Pangulong Duterte na kaya raw umano nangyayari ang mga ganito ay dahil sa 'kamalasang' dulot ng ating pangulo.

Sa ilang mga komento sa social media hindi makakaila na matindi ang galit nila sa ating lider. Ang iba pa nga ay nag gagawa pa ng videos sa TikTok para punahin ang hindi umano pag kilos ng gobyerno.


Isa si netizen Gilbert GK sa mga bumatikos sa pangulo matapos niyang makita ang nangyari sa Marikina City matapos ang ilang oras na pananalasa ni Ulysses. Isinisi ni Gilbert ang kamalasanang nangyayari ngayon sa Pilipinas dahil diumano sa mga pahayag ng Pangulo noon.


Daming kamalasang dala si duterte pansin ko lang, hinamak nya kasi ang Dyos natin tapos panay tulog pa, oo nga pala 91 percent ratings nya so no need umeffort na tumulong bahala na daw kayo jan,” ani Gilbert.


Halos nakalikom ng mahigit kumulang 17K Likes ang nasabing comment. Ayon sa mga netizens na madalas maka encounter si Gilbert ay suki daw talaga ito sa pag kritiko sa mga ginagawa ng gobyerno. 


“Alam mo kaya si Duterte ang nilagay ng Dyos sa pwesto dahil kaya niya ang mga pagsubok.Nakatadhana ito sa kanya. Isipin mo kung iba ang naging presidente..baka sumuko na, ewan ko na lang kung ano ang kahihinatnan ng Pilipinas,” saad ng isang netizen na ipinagtanggol ang Pangulo sa mga pahayag ni Gilbert.

“Ipagdasal mo nlang po Yung mga apektado, Hindi Yung mangsisi ka ng ibang Tao,” sabi pa ng isang netizen.

Samantala, sa Twitter naman ay hindi rin nakaligtas si Pangulong Duterte sa mga netizen na sinisisi rin siya sa nangyayari sa bansa ngayon.

Mabuti na lang ay may mga totoong nakakaintindi na mga mamayan parin ang suportado ang Pangulo at hindi baata basta nagpapaniwala sa mga paninira ng mga kritiko nito.

Kung tutuusin pa nga ay mas marami oang nagawa ang Pangulong Duterte kaysa mga nagdaang presidente ng bansa. 

Lalung-lalo na sa mga imprastratura na kanyang maipapamana bago pa man bumaba sa pwesto sa taong 2022. 








Source: Bronze Channel

About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment