Tatlong Taong Gulang na Bata, Marunong ng Magluto ng Pagkain Para sa Kanyang Sarili at mga Kaibigan!

Mga anong edad ka natutong magluto? Alam mo ba na naging viral ang isang tatlong taong bata dahil sa galing na nitong magluto. Di nga daw basehan ang edad sa pagkakaroon ng kaalaman ng isang tao.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Sa panahon natin ngayon mapapansin din na maaga palang ay tinuturuan na ng mga magulang ang kanilang mga anak kahit na ito ay sanggol pa lamang.

Sa katunayan ang ilang mga bata ay nahuhubog ang kanilang angking talento sa murang edad dahil na din sa suporta ng mga magulang. Pinapasali nila ang mga ito sa workshop ng pagkanta, pag-arte o di kaya naman ay pagsasayaw. Ang kwento ng batang ating matutunghayan ngayon ay kakaiba, narito po:

Makikita sa video na abalang-abala ang bata sa pag-aasikaso ng kanyang lulutuin na kanin at fish curry. Nandun din sa lugar ang kanyang mga kaibigan na tumutulong sa preparasyon. Una ay makikitang nililinisan niya ang mga isda at tinatanggalan ng kaliskis na parang naglalaro lang.

Maya-maya pa ay buhat-buhat na ng bata ang isang kaserola na may lamang mga spices na inihanda na ng kanyang magulang para sa kanya. Ipinatong niya ito sa batong lutuan na ginagamitan ng kahoy para mag-apoy.

Ang bata na din mismo ang nagsisigurado na sapat ang apoy na meron ang lutuan para maluto ang kanilang pagkain. Tinikman ng bata kung luto na ba ang kanilang ulam at inihain na niya ito sa kanyang mga kaibigan na kanina pa nag-aantay.

Lubos na ikinamangha ng mga netizens ang kanilang nakita dahil karamihan sa kanila ay aminadong kahit na pagluluto ng kanin ay hindi nila kayang gawin. Kaya naman marami ang saludo sa batang ito na naging viral sa social media.

You May Also Read:

Isang Baka ang Lumuha at Pinuspos ng Halik ang Taong Tumulong Magpa-anak sa Kaniya, Ngunit May Hindi Inaasahang Nangyari sa Kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment