Kapag tayo ay nagsusumikap at nangangarap ng magandang buhay, lahat ng ito ay para sa ating pamilyang binubuo. Ang kumpleto at masayang pamilya ang isa sa napakagandang bagay na mararanasan natin sa ating buhay. Hindi madali ang maging isang magulang lalo na sa kahirapan na nararanasan natin sa ngayon.
You May Also Read:
Talaga namang kakailanganin mo talagang magsumikap at magpagal sa pagtatrabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang iyong mga anak. Ngunit napakahirap din pala ang maging isang anak lalo na kung naulila ka na ng lubos.
Tulad na lamang ng batang lalaki na ito na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang nakakalungkot niyang kwento. Ayon kasi sa naging viral na post ng Facebook page na “Trending Viral” ay maagang naulila sa kaniyang ina si Baby Macky dahil sa sumakabilang-buhay ang kaniyang ina na si Mailyn Sabandea nito lamang Enero .
Makalipas ang halos walong buwan ay nasawi naman ang kaniyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval. Sinong mag-aakala na sa murang edad ni Baby Macky ay hindi na niya makakapiling pa ang kaniyang mga magulang?
Nakakalungkot at talaga namang nakakapanlumo ang ganitong kaganapan dahil sa tiyak na sa ngayon ay hindi pa niya lubusang naiintindihan ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Ngunit sa kabila nito ay tiyak na totoo ang nararamdaman niyang kalungkutan at pangungulila sa kaniyang mahal na ama at ina.
Ayon sa ilang mga ulat ay inaalagaan naman siya ng kaniyang mga kamag-anak ngunit marami pa ring mga netizens ang hindi mapigilang malungkot at manghinayang sa napakahirap na sitwasyong ito ni Baby Macky.
Talaga ngang hindi natin kontrol kung ano ang pwedeng mangyari bukas, kung gigising pa ba tayo o tuluyan ng mamahinga, kaya habang tayo ay may hininga, pahalagahan natin ang mga taong nagmamahal sa atin.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment