Sa tuwing sumasapit ang ating kaarawan, ito ay ipinagdiwang kasama ang ating mga mahal sa buhay, hindi mahalaga kung gaano man kadami ang handa bagkus ang nagpapasaya sa atin ay ang makapiling natin ang ating pamilya sa araw na nadagdagan na naman ang buhay na kaloob sa atin ng Panginoon.
You May Also Read:
Ngunit, naging trending sa social media kamakailan ang isang pagdiriwang ng kaarawan ng isang matandang lalaki, ito ay ibinahagi ng netizen na si Al Aquino Oliva.
Ayon sa kanya, ay di niya malilimutan ang ganitong karanasan kung kaya’t gusto niyang ibahagi din sa iba. Narito ang kanyang pagsasalaysay:
“So ayon while umoorder ako sa Jollibee Puan itong c tatay naka pula tinanong ako ano raw order ko kasi sya na raw magbabayad sbi ko wag na po tay ako na po, he insisted pero kako wag na, so ayon sabi nya cge bday ko pa naman ngaun sabay alis, then nung magbabayad nako”
“biglang lumapit c tatay sabay bayad sa cashier, at ako naman napa thank you nlng kay tatay. Hindi lang ako ang nilibre pati yng mga kasabayan kong pumila at umorder nilibre din nya. Happy bday tatay salamat po and God bless you .”
Dahil sa ipinakitang kabutihan ni lolo ay maraming netizen ang pumukaw ang atensyon sa post ni AL, maging ang mga ito ay nag bigay ng pagbati sa matanda nang “Happy Birthday sayo lolo!”
Saad pa ilang mga netizen” Lolo happy birthday sana’y pagpalain ka pa ng panginoon sa iyong kabutihan”.
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment