Hindi man lahat ay pinalad na magkaroon ng magandang pisikal na kaanyuan, hindi naman ito ang batayan upang mamuhay ng tahimik at masaya, dahil may mga taong mas tinitingnan ang kagandahan ng loob kaysa mukha.
Katulad nga ng kwento ng isang lalaki na mula sa Uganda, siya ay tinaguriang pinakapangit na lalaki sa buong mundo subalit marami ang nabigla ng malamang ang lalaki palang ito ay mayroong tatlong asawa.
You May Also Read:
Ang 47-year-old na si Godfrey Baguma o mas kilala bilang Ssesabi mula sa Uganda ay nanalo bilang pinakapangit na lalaki sa buong mundo sa isang kumpetisyon noong 2002.
Ayon sa mga ulat, sumali si Godfrey sa nasabing kumpetisyon dahil alam niya na ang premyo na kaniyang mapapanalunan ay makakatulong sa kaniyang pamilya. At hindi nga siya nagkamali dahil nagawa niyang mapanalunan ito!
Hindi lamang title ang napanalunan ni Godfrey kundi pati na din ang puso ng marami. Ang kaniyang storya ay isang patunay lamang na hindi lamang ang mga may hitsurang tao ang siyang makakaranas ng pagpapakasal.
Si Godfrey na kilala din bilang “Ssebai” ay ginulat ang marami kamakailan lamang nang kumalat ang kaniyang larawan online mula sa kaniyang pangatlong beses na pagpapakasal.
Nagpakasal si Baguma sa kaniyang pangatlong asawa sa isang makulay na wedding ceremony. Ang impormasyon tungkol sa kung ano at saan nangyari ang seremonya ay hindi pa din natutukoy ngunit base sa kanilang mga larawan, makikita na masayang masaya ang newly weds sa isa’t isa.
Bago magpakasal sa kaniyang pangatlong asawa, nagpakasal din si Baguma sa 30-year-old na si Kate Namanda. Siya ay nagkaroon ng limang anak sa kaniyang pangalawang asawa at dalawang anak naman sa unang asawa.
Ayon sa mga ulat, naghiwalay si Baguma at ang kaniyang unang asawa nang madiskubre niya na niloloko siya nito.
At ngayon ay tila maayos na ang lahat para kay Baguma dahil makikita ang saya niya sa kaniyang pangatlong asawa at sila ay magsisimula na din gumawa ng kanilang sariling pamilya.
Si Godfrey ay mayroong isang kakaibang health condition dahilan para ma-deform ang kaniyang mukha. Ayon sa medical expert, natuklasan nila matapos ang isinagawang MRI scan na dumaranas si Godfrey ng isang kakaibang kondisyon na tinatawag na fibro dysplasia, isang sakit na nakakaapekto sa placement at growth ng body tissues at cells.
Ani Dr. Wilson,
“As a result of the abnormal shape of his head, part of his brain was under pressure. His posture also put pressure on his chest which made it difficult for him to breathe.”
Gayunpaman, hindi naging hadlang para kay Godfrey ang kaniyang kundisyon para matupad ang kaniyang pangarap. Ngayon ay masaya na siya sa piling ng kaniyang pangalawang asawa. Bukod pa diyan, kilala din siya bilang public figure na tinuturing bilang singer, komedyante, at entertainer.
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment