Kadalasan na sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak, ay wag sayangin ang pagkain dahil maraming bata ang nagugutom. Totoo nga naman na maraming kabataan ang halos di na makakain ng 3 beses sa isang araw.
Kamakaialan nga lang ay naging trending ang dalawang batang ito kung saan marami ang nahabag ng mapanuod ang video ng dalawang bata na kumakain nang mga oras na iyon.
You May Also Read:
Ngunit agad napansin ng netizen na tila wala atang ulam na nakahanda sa hapagkainan ng dalawa at tanging kanin lamang ang naroon.
Pamaya-maya pa ay umalis ang batang lalaki na pumunta sa tindahan at may binili itong mga tigpi-pisong chichiryang bangus at chips ito na pala ang kanilang ulam sa tanghalian.
Naawa ang netizen sa kalagayan ng dalawang magkapatid palagi raw ganito ang kanilang ulam dahil walang kakahayan ang kanilang mga magulang na makabili ng masarap na pagkain.
Kung kaya’t tanging tig pipisong chichirya nalamang ang kanilang tanging ulam sa araw-araw upang maibsan ang kagutoman.
Ito ang realidad sa mga taong nasa laylayan ng ating bayan na nangangailangan din ng atensyon na sana sila ay matulungan. Dahil nga ang kabataan ang pag-asa ng bayan, dapat sila ay may sapat na kalusugan at edukasyon upang maging matatag ang susunod na henerasyon.
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment