Naging viral kamakailan ang isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Danilo Calzadora, makikita sa kanyang post ang larawan ng mag-Ama na naglalakad sa kabila ng init ng araw.
You May Also Read:
Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!
Nagmula daw sila sa Surigao at planong uuwi sa Davao del Sur na may layong 549 na kilometro sa pamamagitan ng paglalakad lamang. May tulak na kariton ang ama at nasa loob naman nito ang kanyang anak at iba nilang gamit.
Ayon kay Danilo na nag-upload ng mga larawan, Kinilala ang matandang lalaki na si Reynante Quintos.
Ayon kay tatay Reynante, gusto raw niyang umuwi sa Davao del Sur dahil napag-alaman niyang sinasaktan ng kanyang asawa ang isa pa nitong anak.
Ngunit dahil sa kakulangan sa papeles ay hindi makasakay ng bus ang mag-ama kaya naglakad na lamang ang mga ito.
Dahil naawa si Calzadora sa kalagayan ng mag-ama ay binigyan niya ito ng kaunting pera. Bumili rin siya ng materyales para makagawa ng kariton si tatay Reynante upang kahit papaano ay mayroong masakyan ang anak nito habang nasa paglalakbay sila at maaari nilang magamit na mapagpahingahan.
Samantala, marami naman sa mga netizens ang labis na nahabag para sa kalagayan ng mag-ama. Hiling ng iba ay sana man lang daw ay tinulungan ang mga ito ng lokal na pamahalaan para mas naging ligtas ang kanilang pag-uwi at para na din sa mabilisang pagsaklolo sa isa pang bata. Hiling naman ng mga netizens ang kaligtasan ng mag-ama gayon na din ang isa pang bata.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment