Babae, Ikinwento Kung Paano Nya Na SOLO ang Isang Eroplano, Natakot pa Daw Siya Pero Nakauwing Ligtas Din.

Upang mapabilis ang ating paglalakbay, marami ang mas pumipiling sumakay sa mga eroplano kahit pa man may kamahalan ang pamasahe kumpara sa mga barko.

Halos pinupuno ang mga bakanteng upuan bago ito lumipad para magkaroon rin ng sapat na income para sa mga bayarin ng bawat kompanyang nagmamay-ari nito.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Subalit, nitong nakaraang buwan ay naging trending ang karanasan ng isang babaeng pasahero ng Philippine Airlines dahil nasolo daw nito ang buong eroplano sa kanyang byahe mula Davao patungong Maynila.

Narito ang kanyang salaysay:

Habang bumabyahe, napansin ni Louisa Erispe na tila ay mag-isa lamang siyang sakay ng Philippine Airlines flight PR 2820.

Literal na ‘solo flight’ ang naranasan ng dalaga ang byaheng iyon nang siya ay pauwi ng Maynila, bisperas ng pasko.

“Hindi kop o alam kung anong ibig sabihin or kung ano ang dapat kong isipin. But I’ll be flying alone tonight sa plane. No other passenger, ako lang,” paunang hayag ng dalaga sa kaniyang facebook post.

Matapos ng kaniyang flight, hinayag ni Louisa ang kaniyang kakaibang karanasan. Sa kaniyang facebook post, inamin ng dalaga na siya ay kinabahan at ninerbyos dahil noon niya pa lamang naranasan ang bumyahe sa eroplano nang mag-isa. Ngunit, sa kabila ng kaniyang kaba, sinabi ng dalaga na panalangin lamang ang sagot upang siya ay gabayan sa kaniyang byahe.

“Nakalipad po ako nang maayos at nakapagpalipat-lipat ako ng upuan,” pagkukwento ng dalaga.

Pinasalamatan din ni Louisa ang kapitan ng nasabing eroplano, maging ang iba pang crew ng Philippine Airlines flight PR 2820. Nagpasalamat siya dahil ang “remarkable” trip ‘di umano na ito ay sanhi ng isang hindi inaasahang pangyayari. Gano’n pa man, masaya ang dalaga dahil nakauwi siya ng ligtas.

Thank you po, Capt. Khalil Faustino and the rest of the crew for this safe and remarkable trip. God bless po. Kudos to Philippine Airlines na nilipad pa rin ako. The best airline so far.” Saad ng dalaga sa kaniyang post.

Ayon sa mga komento, normal lamang ang gano’ng pangyayari kung ang dahilan nito ay ang pagka-rebooked nang maaga ng kaniyang flight. At dagdag pa ng iba, habang kinocontact ‘di umano ng PAL ang mga pasahero ng nasabing flight upang bigyan ng panibagong schedule, nag-iisa lamang si Louisa na hindi nila ma-contact para kumpirmahin ang panibagong schedule nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment