Ang pagkakaroon ng marangal na trabaho ay hindi batayan kung ano ang kursong tinapos mo, ang mahalaga ay wala kang inaapakang ibang tao at nagmula sa mga hirap at pawis mo ang kinikita mo.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Mahalaga ang pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon dahil sa paniniwalang, aahon tayo kapag naabot natin ito, pero ang katotohanan ay hindi sa antas ng edukasyon nakasalalay ang pag asenso ng isang tao, nasa diskarte, sipag at talino.
Wala umanong tao na naging mayaman sa pagiging isang empleyado lamang, dapat ay mayroon kang negosyo at extra income para umasenso.
Kung kaya marami ang nagreak sa isang facebook post kung saan hinusgahan daw itong si Andrew Pineda dahil sa kanyang Pagtitinda ng ulam sa kabila ng kanyang tinapos na kurso.
Ayon sa naging viral post niya sa social media ay palagi siyang nakakarinig ng mga masasakit na salita sa ibang tao dahil lamang nagtitinda sila ng ulam at iba pang pagkain ng kaniyang ina sa tabing kalsada. Madalas niyang naririnig na “hindi ba nakapagtapos ng Educ yan?”, “Bakit wala pa siyang trabaho?”, “Dapat humanap na siya ng work!”.
Nagpahayag naman si Andrew ng kaniyang saloobin patungkol dito.
“Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hangga’t nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga ay may silbi at sense tayo sa lipunan.” Pahayag ni Andrew.
Maraming mga netizens din ang sumang-ayon at nakisimpatya sa kaniya na hindi naman talaga dapat ikahiya ang ikinabubuhay ng kaniyang pamilya sa ngayon lalo na at pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho at mas marami ang talagang patuloy na naghahanap ng trabaho.
Para sa kaniya, masaya siya sa kaniyang ginagawa para sa kaniyang pamilya. Wala man siyang trabaho bilang isang degree holder ay nakakatulong pa rin siya sa kaniyang pamilya. Nakakalungkot lang na maraming taong mapanghusga na wala namang nagawa sa kanilang pamilya.
0 comments :
Post a Comment