Sa tuwing kumukulog at kumikidlat, kakaibang takot at pangamba ang nadarama ng bawat isa, ito ay dahil kapag natamaan ka malaki ang posibilidad na hindi ka na mabubuhay pa. Ang kidlat ay walang pinipili at hindi mo tantya kung kailan ito biglang aataki kaya kapag makulimlim ang paligid at kalangitan mas maiging nasa loob ng bahay na lamang.

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!

Mag-ama na Hindi Pinasakay ng Bus, Naglalakad mula Surigao Hanggang Davao Del Sur na May 549 Km. Para maligtas ang Isa niyang Anak.

Magkapatid na Namamalimos Habang Nakasuot ng Plastik,Nilalagnat pa ang Kapatid,Umantig sa mga Netizens!

Subalit sa Estados Unidos, isang himala ang nagawa diumano ng kidlat ito ay matapos na tamaan ang 62-anyos na matandang lalaki na isang bulag at bingi na himalang nakakita at nakarinig.

Nabulag at nabingi si Edwin Robinson matapos magtamo ng malalang injury sa kanyang ulo sa isang aksidente. Nang araw na tamaan siya ng kidlat ay lumabas siya ng bahay upang hanapin ang kanyang alagang manok.

Ang kanyang aluminum na tungkod ang ginagamit niyang pangkapa sa nilalakaran.

107 patay sa kidlat sa India | Abante TNT Breaking News

May bagyo sa araw na iyon at malalakas ang pagkulog at pagkidlat.

Sa halip na bumalik sa loob ng kanyang bahay, nagpunta siya sa isang kalapit na puno upang sumilong.

Romblon News Network - Limang lalaki, tinamaan ng kidlat sa Magdiwang, isa patay

Dahil sa paglapit sa puno at mayroon pang aluminum na tungkod ay tinamaan siya ng kidlat. Natanggal ang kanyang hearing aid dahil sa lakas ng puwersa ng kuryenteng tumama sa kanyang katawan ay nawalan siya ng malay sa loob ng 20 minuto.

Nang magkamalay ay pumasok siya sa loob ng kanyang bahay at natulog dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman.

Natuklasan ni Edwin ang milagrong nangyari sa kanya kinabukasan pagkagising niya.

Babaeng Pinakasalan Ang Matandang Lalaki, Hindi Makapaniwala Sa Kaniyang Natuklasan Matapos Ang Kanilang Kasal!

Sa halip na kadiliman ang kanyang nakita, pagmulat niya ay liwanag ang bumulaga sa kanya.

Nakikita na niya ulit ang paligid at tuwang-tuwa niya itong ibinalita sa kanyang asawa. Nagulat ang kanyang misis dahil nakakapagsalita na siya nang maayos at hindi na gumagamit ng hearing aid.

Ayon sa doktor, maaaring bumalik ang paningin at pandinig ni Robinson dahil sa trauma na dulot ng pagtama sa kanya ng kidlat.

Ito ay hindi naiiba sa trauma na natamo mula sa aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag at pagkabingi kaya ang pagkakaroon ng katulad na trauma sa ikalawang pagkakataon ang maaring nagpabalik sa nawalang paningin at pandinig.

You May Also Read:

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment