Marahil ang iba ay na-cheapan sa lugaw, pero may mga lugaw na talagang masarap at hahanap-hanapin mo. Ang lugaw ay gawa sa malagkit na bigas, ginisang bawang, sibuyas at luya. … Maraming version ang lugaw gaya nalamang ng Arroz Caldo.
You May Also Read:
Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!
Maaari ring magamit ang regular na puting bigas kung pakukuluan na may sobrang tubig. Ang simpleng bersyon ay mayroon lamang kaunting mga sangkap, kadalasan ay asin, bawang, at luya; o pwede namang asukal. Ang ibang bersyon ay sinasahogan ng manok, karneng baboy, o sabaw ng karneng baka. Itinuturing itong pagkain na madali lamang maproseso ng sikmura, madalas na inihahanda para sa agahan at tuwing malamig at maulan ang panahon. Madalas rin itong inihahain para sa mga may sakit at iyong mga nakapirmi na sa higaan dahil sa malubhang karamdaman, at pati sa mga maliliit pang mga bata, maging sa mga matatanda.
Ang simpleng pagkaing ito ay nagbigay liwanag sa Pamilya ni Beverly Aquino na tinaguriang “Lugaw Queen” na mayroong amazing at inspiring na kwento ng buhay. Ang taong 2017 ay sadyang mailap daw para sa kanilang pamilya.
Marami silang mga pagsubok na dinaraanan at nang panahong yaon ang kanilang pera na sana ay pambayad sa kanilang electic bill ay nagamit ni Beverly bilang maliit na kapital para sa maliit ding negosyo.
Nagsimula si Beverly ng kanyang negosyo sa San Pablo,Laguna. Wala siyang malaking kapital nuon kundi ang kanyang perang P1,100 lamang na kanyang pinambayad sa maliit na kiosk na may 3 upuan lamang.
Ang kanyang tindang lugaw ay nasa P10.00 bawat serving, kumpara sa ibang restaurant na nagtitinda rin ng parehong lugaw, si Beverly daw ay may sekretong recipe na di umanoy na diskubre ng kanyang Ina.
Ayon kay Beverly, para umasenso sa food business dapat ay mayroon kang sekretong recipe na maging kakaiba at mag stand out sa iba.
Sa unang araw ng kanilang pagtitinda, nakalikom sila ng P1,300, sa sumund na araw ay nag doble daw ito. Hanggang sa di na nila namalayan at na shock na lamang na naka benta na sila ng halos P10,000 kada araw.
Nagkaroon ng sapat na ipon si Beverly upang maka kuha ng malaking pwesto. Laking pasasalamat niya sa sekretong recipe niya sa lugaw dahil mayroon na silang halos nasa 12 na branches sa Luzon at may benta ng halos P50,000 kada araw.
Kung babalikan nila ang kanilang buhay noon, talagang napakahirap pero dahil sa kanilang dedikasyon at hard work narating nila ang tagumpay na ngayon ay masayang tinatamasa ng kanyang pamilya.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment