Ang halaga ng regalo na binibigay at ating natatanggap ay hindi naka base sa presyo nito. Ito ay naka dependi sa intensyon ng taong nagbibigay sa atin, marahil ito ay hindi mahal pero ito ay mula sa puso ng nagbigay at ito ang kanyang makakaya ay mas valuable pa kaysa mga nagbigay ng mamahaling regalo na hindi galing sa kanilang puso.
Katulad na lamang sa ginawa ng magkapatid na ito na kamakailan ay nag viral sa social media at na touched ang maraming nakabasa ng kanilang estorya.
You May Also Read:
Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.
Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.
Alam natin na ang mga tindang damit sa ukay-ukay ay mga nagamit na ng ibang tao subalit ito ay matibay, maganda base sa inyong paghahalukay at mas makakatipid ka. Kaya ang magkapatid na ito ay pumili ng damit sa ukay-ukay bilang regalo sa kaarawan ng kanilang ina.
Naantig ang mga netizens dahil sa thoughtfulness ng mga batang ito. Ayon nga sa kanila,maswerte ang kanilang nanay dahil may malalambing siyang mga anak. Kahit sa murang mga edad nila ay pinapakita na nila ang kahalagaan ng kanilang ina.
Sa larawan ni ibinahagi ni netizen Sarah Alexandrea Daculap, makikita ang dawalang bata na may hawak na damit.
Kwento niya, nag-aantay siya ng costumer ng dumating ang dalawang bata at kaagad naman nakapili ng damit. Kaya tinanong niya ang dalawa kung para kanino at sinabi ng mga bata na ang damit ay para sa kaarawan ng kanilang nanay.
Naantig si Daculap sa sagot ng mga bata. Saad niya napaka-sweet umano ng mga bata dahil nakaisip itong regaluhan ang kanilang nanay.
Kahit simple lang ay nakakataba pa rin ng puso na nag-abala pa silang regaluhan ang kanilang nanay.
Umani naman ito ng maraming reaksyon at shares mula sa mga netizen.
Basahin ang ilang komento mula sa netizens:
“Napalaki sila ng maayos ng Mama nila. Nakakatuwa.”
“Naiyak nman ako.. Ang sweet nman ng mga batang yan”
“Nai-imagine ku agad reaction ng mama nila”
“This story made my Day!”
“Sana tularan sila ng ibang mga bata sa pagmamahal nila sa kanilang mama”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment