Isang kaganapan ang gumimbal sa social media dulot ng pagliyab ng malaking apoy sa gitna ng karagatan ng Mexico. Kanilang tinawag na “Eye of Fire” ang isang malaking apoy na naganap lamang noong Hulyo 2 ng taong ito.
You May Also Read:
Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.
Marami ang natakot sa naganap na ito dahil di umanoy nasa tubig na ito at sobrang laki pa ng apoy. Kanilang gustong malaman kung bakit naganap ang ganitong pangyayari.
Ayon sa salaysay ng mga naka saksi, nagsimula raw na tumagas ang gas sa pipeline sa Campeche Sound, bandang 5:15 ng umaga noong Biyernes, ayon sa isang pahayag ng Petroleos Mexicanos o kilala rin sa tawag na Pemex, ang kumpanya na nagma-may-ari ng naturang pipeline na isang state-owned petroleum company.
Gustong ipaalam ng Pemex na agaran din nilang nirespondehan ang insidenteng nangyari matapos ma-activate ng mga security protocols, at ipadala ang mga firefighting vessels na aapula sa lumalagablab na apoy.
Wala rin namang mga nasugatan o nadisgrasya dahil sa insidente; patuloy din daw na iimbestigahan ang pangyayari at bumalik na sa normal na operasyon ng maapula na ang apoy.
Samantala, ayon naman sa executive director ng security, energy, at environment agency ng Mexico, Angel Carrizales, ipinagbigay-alam nito sa Twitter na hindi naman umano lumikha ng pagligwak ang tubo.
Pinakita ng journalist na si Manuel Lopez San Martin ang isang video kung saan makikita ang apat na barko na walang tigil na pinapatay ang apoy sa gitna ng dagat. Sinabi rin ni San Martin na ang apoy daw ay 400 metro mula sa oil platform.
Sinabi naman ng Pemex na magtatayo sila ng dam doon upang masansala ang daloy ng tubig at clay. Wala naman daw bantang panganib ang tagas, dahil wala naman daw naninirahan sa lugar na iyon
Sinabi naman ng Pemex na sampung beses sa loob ng tatlong buwan daw nilang binubutas ang tubo. Tinatayang 10,000 bariles ng gasolina ang dumaraan sa pipeline na may 20 kilograms of pressure noong ito ay pumutok.
Sana ay wag ng maulit ang mga ganitong pangyayari dahil lubhang mapanganib at marami ang maaapektuhan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment