Isa sa dapat ika proud ng mga Pinoy ay ang kanilang abilidad sa pagtatrabaho na kahit pa man hindi nila kaano-ano ay binubuhos nila ang kanilang lakas at sigla upang magsilbi sa kanilang mga amo. Minsan ang kanilang pinapakitang magandang asal ay hindi mababayaran ng salapi kung kaya’t may mga employer din na mas lalong minamahal ang kanilang mga kasambahay na pinay.
You May Also Read:
Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.
Tanyag ang Pilipino sa pagiging mapagmahal nito at maalaga kaya marami tayong mga kababayan na OFW at Domestic Helper ang hindi makakauwi kaagad dahil sa ayaw bitawan ng kanilang mga employer.
Gaya na lamang ng kwento ng Pinay Nurse na si Hadassah Peri na noon ay simpleng namumuhay sa New York kasama ang taxi driver niyang mister.
Naatasan si Hadassah na mag-alaga sa isang bilyonaryo na si Huguette Clark. Anak si Clark ng isa sa pinakamayamang tao sa Amerika na si William Clark. 1990 nang tamaan si Huguette ng face cancer kaya kinailangan niya ng private nurse na mag-aaruga sa kanya. Marso ng taong 1991 nang ipasok na sa New York hospital si Huguette.
Dahil sa tagal ng pagsasama nina Huguette at Hadassah sa hospital, namuo ang pagiging magkibigan ng dalawa. Dumating pa raw sa punto kung saan kapag di na mapainom si Huguette ng ibang nurse, tinatawagan pa nila si Hadassah para kumbinsihin ang pasyente na inumin ang gamot. Dahil dito, malaki rin ang naitulong ni Huguette sa pamilya ni Hadassah. Sagot na ng kanyang pasyente ang mgaa tuitions at iba pang gastusin ng mga anak ni Hadassah. At nakatatanggap din siya ng marami pang bonus. Sa loob ng 20 taon ay umaapaw ang mga regalo ni Huguette sa kaibigan. Noong 1999 pa nga raw, nakatanggap si Hadassah ng $133,950 na di malamang dahilan. 2009 nakatanggap si Hadassah ng $5 million dollars, at mamahaling mga sasakyan at mga establisyemiento.
Nang pumanaw ang pasyente, pinamanahan niya ang nurse na kaibigan niya ng tumataginting na $30 million dollars. Ngunit syempre, di mawawala ang mga mapanuring pamilya ni Huguette na tila naghahabol din sa yaman na binahagi ng pasyente sa kanyang nurse.
Umabot pa raw ito sa korte dahil sa pangunguwestyon nila sa last will and testament ng bilyonaryo. Sa kasamaang palad, nanalo sa kaso ang mga kamag-anak ni Huguette at makatatanggap ng $34 million dollars. Ang maganda lang sa nangyari, naiwan pa rin kay Hadassah ang mga ari-arian na siyang binigay ni Huguette noong siya ay nabubuhay pa.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment