Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap, ngunit naka dependi ito kung paano natin abutin ang ating minimithi. May iilan na nagsasabing hanggang pangarap lamang daw nila ito ngunit may iba namang nakamit nila ang kanilang hangarin dahil sa kanilang pagsisikap at pagpupursige.
You May Also Read:
Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.
Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.
Karamihan sa mga kababayan natin ang nagtatrabaho abroad bilang mga Domestic Helper, isa itong kanilang paraan upang dahan-dahang maisakatuparan ang kanilang pangarap sa kanilang pamilya.
Katulad na lamang ng isang OFW na naging emosyonal ng kanyang personal na makita ang resulta ng kanyang pinagpaguran sa ibang bansa, ito ay ang kanilang bahay na sementado.
Grabe ang iyak ni Ronalyn na taga Isabela, dahil sa kanyang pag-uwi sa kanila ay hindi na kahoy ang kanilang bahay kundi sementado na at 2-storey pa.
Sa video na ibinahagi ng KMJS, makikita ang iyakan ni Ronalyn at kanyang ina. Isang mahigpit nayakap agad an bumungad sa kanyang pag-uwi.
Ngunit mas naging emosyonal pa siya dahil ang dating pangarap lamang na magandang bahay para sa pamilya ay natupad na.
Napaiyak rin ang kanyang ina dahil sobra niya itong na-miss at sa wakas ay magkakasama na ulit sila sa bago nilang bahay.
Inalala pa ni Ronalyn ang kanilang bahay noon kung saan ay gawa lang ito sa kahoy at marami pa umanong butas ang bubong. Kaya tuwing umuulan ay nababasa talaga sila.
“’Yung bahay kasi namin noon, gawa lang sa kahoy. Tapos ‘yung yero, patong-patong lang kasi nasira na ng bagyo. ‘Pag umuulan, tulo talaga yung inaabot. Basa kami. ‘Pag may dumadating na bagyo, doon sila sa evacuation pumupunta kasi hindi sila safe,” kwento ni Ronalyn.
Saad pa niya, hindi naging madali ang kanyang pagtatrabaho abroad dahil naranasan niyang maltr4tuhin ng kanyang amo.
Ngunit nagsumikap pa rin sya dahil nais niyang magkaroon sila ng magandang bahay.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment