Sa mundong ating ginagalawan, wala tayong ibang aasahan kundi ang sarili natin, napaka swerte kung mayroon tayong pamilya na hanggang sa huli ay patuloy tayong tutulungan at gagabayan. Pero hanggang saan nga ba tayo aasa sa kanila?
Sa ating pagtanda dapat ay paghandaan natin ng hindi tayo maging kawawa at pabigat rin sa ating mga ka-anak, subalit minsan dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan, hindi natin lubusang mapaghandaan ang ating pagtanda.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Kaya kapag dumating ang panahon na tayo ay uugod-ugod na, imbes na ito ay oras na nating ipahinga at e-enjoy ang buhay, mas kumakayod pa tayo upang mabuhay. Ito ang kadalasang karanasan ng karamihang matatanda.
Katulad na lamang po ni tatang na nakita ng isang netizen na tulak ang mabigat na kariton na may lamang mga paninda na wooden at native craft upang ilako sa mga madaanan nito, imbes na ito ay hinihila ng baka o kalabaw, si tatang mismo ang nagtutulak.
Nakaramdam ng kurot sa puso ang nasabing netizen na si Ms. Crystal Jacinto, na isang businesswoman na may ginintuang puso. Bumaba pa sya sa kanyang SUV upang kausapin ang matanda. Laking gulat ng netizen, dahil akala niya ay may kalabaw na nagtutulak sa kariton nya ngunit wala pala.
In-upload ng netizen sa kanyang social media account ang video kung saan makikita ang sakripisyo ng matandang lalaki upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya.
Dagdag pa ng netizen at uploader ng videong ito, sa paglilibot ni manong na masipag ng kanyang mga paninda sa kahabaan ng Sta. Rosa, Laguna at Alaminos, Batangas, Binanggit din nito sa kanyang caption na sa kariton na rin nakatira ang matanda at kung saan na sya abutan ng dilim, ay doon na rin siya matutulog.
“GRABE! This is no joke.. inuubos nya ang mga paninda bago umuwi.. kung san sya abutan ng gabi dun na sya sa kariton matulog.” ani ng netizen na tumulong sa matanda na si Binibing Crystal Jacinto.
Halos pakyawin na ni Crystal ang mga paninda ni Manong at bukod pa diyan ay pinasobrahan pa nya ng cash ang pinambayad dito at hindi na nito kinuha pa ang sukli. Makikita sa Tiktok video na likas na matulungin ang negosyanteng netizen na ito.
“Akala ko may kalabaw, wala pala. Mano-mano… Diyos ko, ang hirap-hirap nito… Ang hirap niyan… Nagtutulak talaga siya ang init-init!” dagdag pa ni Crystal sa kanyang video.
Mangiyak-ngiyak si tuwa si manong sa pagkakataong ito at abut-abot ang kanyang pasasalamat sa netizen na nakapansin sa kanya. Bakas ang paghihirap ni Manong sa pagtutulak ng kanyang mga paninda at halos masunog na ang balat nito.
You may also read:
0 comments :
Post a Comment