Las Piñas Nagsimula ng Magpa-raffle ng House & Lot, Pangkabuhayan packages at Motorsiklo, para sa mga Magpapabakuna.

Halos dalawang taon na ang ating pakikipaglaban sa hindi nakikitang kalaban na halos umepekto sa buong mundo. Ang pandemyang ito ay isang di makalimutang karanasan sa kasaysayan ng mundo, marami na ang nasawi at halos pagod na rin ang ating mga frontliners.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Kaya, tanging pagbabakuna ang pag-asa ng lahat na maibalik sa normal ang pamumuhay ng tao. Subalit, marami ang hindi nahikayat na magpabakuna dahil takot rin sila sa posibleng maging epekto daw nito na naranasan ng iilang nakapabakuna na.

Kung kaya’t isang paraan  ang naisip ni Rep. Camille Villar upang maengganyo ang mga taong magpaturok sa kanyang nasasakupan.

Kung ang isang bayan sa Pampanga ay ‘baka’ ang ipinara-raffle sa mga magpapabakuna laban sa C0V1D-19, sa Las Piñas City naman ay house and lot ang premyong matatanggap ng maswerteng mapipiling residente.

Ibinahagi ni Rep. Villar sa programang “May Bahay sa Bakuna” ang pakulong ito upang mahikayat ang mga Pilipinong magpabakuna.

Si Rep. Villar ay anak nina dating Senate President Manny Villar at Senador Cynthia Villar.

“Naniniwala po ako na pag may wastong kaalaman ang ating mga kababayan tungkol sa benefits ng pagpapabakuna at pag may tamang impormasyon ay baka ma-encourage silang magpabakuna,” sab ni Villar.

“At hindi lang ‘yan, para mas ma-encourage pa po sila ay naisip namin na magpa-raffle ng isang bahay at lupa,” dagdag pa nito.

May 29, nagsimula ang raffle sa lahat ng eligible na residente ng Las Piñas na tumanggap ng bakuna kahit na first dose pa lamang. Magsisimula naman sa susunod na linggo ang pangongolekta ng mga raffle entries sa nasabing lungsod.

Ang raffle umano ay gagawin kada buwan simula sa Hulyo 10 at magsisimula na silang mamahagi ang sampung (10) pangkabuhayan packages.

Gaganapin naman ang grand draw sa Disyembre kung saan mapipili ang maswerteng residente na tatanggap ng house and lot na nagkakahalaga ng P1.5M.

Bukod dito, magbibigay din ng iba pang papremyo tulad ng dalawang unit ng motorsiklo.

Paliwanag ni Villar, manggagaling sa kanyang personal na pondo at hindi sa pondo ng bayan ang perang gagamitin para sa mga papremyo.

Samantala, inilunsad naman ni Mayor Jayson Sagum ng San Luis, Pampanga ang programang “Baka para sa Bakuna” kung saan isang baka ang ipapa-raffle kada buwan.

You may also read:

Groom na Namimigay ng Invitation para sa Nalalapit na Kasal, Binawian ng Buhay Dahil sa Aksidente.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment