Bilang isang ama o haligi ng Pamilya, dapat ay maging matatag ka sa anu mang pagsubok sa buhay, dahil sa kanya nakasandal ang buong pamilya. Ang pagmamahal ng mga magulang o bilang ama sa kanilang mga anak ay walang batayan, mahirap o mayaman ka man walang makapagsasabing mas mahal ng mga mayayamang ama ang kanilang anak.
You May Also Read:
83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!
Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.
Dahil kadalasan mas nararamdaman pa ng mga anak ang pagmamahal ng kanilang ama kahit pa man mahirap sila, kinakayang ibigay ng ama ang pangangailangan nila at oras sa pamilya. Kahit sa maliliit na bagay ay naipakita nila ang pagmamahal sa pamilya.
Ang isang ama ay handang magtrabaho kahit na ito pa ay delikad0 para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.
Ito ay pinatunayan ng isang ama na nagtatrabaho bilang lineman. Makikita sa larawan na habang siya ay nasa itaas ng hagdanan at tila abala sa kanyang trabaho ay suot niya ang pakpak na ibinigay umano ng kanyang anak.
Pahayag ni Keith Anderson sa kanyang facebook post, “His young daughter found out what he did for living, so she made him wings so he would be safe.” Ang a good dad will wear his daughter’s wings.”
Maraming netizens naman ang naatig sa larawan na ito. Marahil umano ay naisip ng bata na delikad0 ang trabahong pag-akyat sa poste ng kanyang ama kaya gumawa siya ng pakpak para maging ligtas ito. Kung iispin ay talagang nakakaaliw at nakakatuwa ang ideya ng anak nito at maging ang ama na ito ay proud sa ginawa ng kanyang anak para sa kanya kaya isinuot niya ito habang nagtatrabaho.
Simple man ang buhay ay mahalaga na napupuno tayo ng pagmamahalan lalo na sa ating pamilya. Nawa’y maging inspirasyon ito sa mga tao lalo na sa mga anak na basta-basta na lang humihiling sa kanilang magulang kahit na alam nila ang paghihiråp at mga sakrispisyo nito.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment