Marami ang naniniwala sa kasabihang ” Kung ano ang iyong itinanim, ay siya ring aanihin”. Kung ano yung ugaling ipinakita mo sa kapwa mo ay siya ring ibabalik sa iyo. Ito ang nangyari sa isang taong grasa na kung saan biglang nag-iba ang kanyang pamumuhay dahil sa isang Aso.
Si Dante ay wala sariling bahay at naka depende lang ang buhay sa panghihingi ng abuloy sa araw-araw. Minsan naglilinis din siya ng mga sapatos bilang trabaho at pagkatapos ng araw, ay maghahanap na naman siya ng kanyang pwedeng masisilungang tahanan. Ganito ang kanyang kinakaharap na buhay.
Kahit walang pera, si Dante naman ay may malaking puso, na kung saan man sya mapadpad at nakitang may humihingi ng tulong ay kanya namang agad na tinutulungan sa abot ng kanyang makakaya, lalo na sa mga kapwa nya manlilimos.
Isang araw si Dante ay may nakitang Aso sa daan, na halos nanginginig sa lamig, nagdesisyon syang kupkupin ito, at pinangalanang si Bruno, sumusunod si Bruno kung saan man sya nagpupupunta,kahit na minsan ay wala na syang makain sinisiguro nya pa rin na may sapat na makakain itong aso.
Nung maglaon ay magkasama na sila saan man magpunta, naging masaya si Dante dahil mayroon na siyang kasa-kasama sa buhay, at ganun din si Bruno dahil mayroon siyang natagpuang tagapag alaga sa kanya na mahal din sya.
Isang araw papunta si Bruno kay Dante na may dala-dalang maduming bag, ng itoy tinignan ni Dante, nagulantang siya na may laman itong maraming pera, dahil walang ni anumang palatandaan kung kanino yung bag, nagdecision si Dante na dalhin ito sa isang Pulis Station, ayon sa imbestigasyon naglalaman ng 2 million pesos ang bag, at bilang city ordinance kung walang magki-claim ng pera ito ay mapupunta sa taong nakakita.
At pagkatapos ng ilang buwan, walang report na naghahanap ng nawalang bag, kaya ibinigay ng mga pulis ang pera kay Dante at sa kanyang aso, ngayon halos umaapaw ang saya ni Dante dahil sa hindi inaasahang biyaya na kanyang natanggap.
Plano nyang magpatayo ng bahay para sa mga homeless na tao tulad niya,maliban dito gagamitin nya din ang ibang pera para gawan ng bahay ang kanyang aso na syang nagbigay ng swerte sa kanya.
0 comments :
Post a Comment