Ang isda ay isa sa likas na yaman na ating pinagkukunang hanapbuhay at pagkain upang maitaguyod ang pamumuhay ng bawat isa. Kaya dapat itong alagaan upang may matitira pa sa susunod na mga henerasyon.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens
Dapat ay panatilihing malinis ang ating mga karagatan kung saan naninirahan ang ating mga yamang tubig. Ito ay mga biyaya ng kalikasan sa atin na dapat nating bigyang halaga upang maging malaking tulong sa lahat.
Ngunit tila nakakagulat at nakaka-alarma ang isang viral na balita ng isang netizen tungkol sa nabili nilang isda sa palengke sa Palawan.
Ayon kay Mary Vanessa Guzman-Tan, dahil malaki ang isda ay pinalinis at pinahiwa nila ito sa tindero.
Nagulat na lamang sila sa nakitang mga basura tulad ng bottle cap, candy wrapper at iba pa nang hiwain ang tiyan ng isdang Dorado na nabili ng kanyang ama sa Puerto Princesa noong Sabado.
“Since the fish was huge, the vendor sliced it open and as they revealed the insides of the fish, they were surprised to see trash, aside from some squid that the fish had eaten. Yes basura. Basura na nilunok o nalunok ng isda. There were candy wrappers, bottle caps of softdrinks, a yellow plastic spoon and salonpas. Basura sa tiyan ng isda. The fish was caught in the waters of Palawan. Even the fisherman was shocked of what he saw,” sabi sa Facebook post ni Guzman-Tan.
Ibig daw sabihin nito ay puno na ng basura ang mga dagat.
“This only means that our ocean is being flooded with trash. Sabi nga ng tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na pag bukas ng tiyan ng isda, puro basura. The photo shows what they’ve found inside the intestines of the fish,” dagdag niya.
You may also read:
Isang Ginang ang Laging Nawawalan ng Pera, Nabigla ito sa Nalaman ng Sinundan niya ang Daga.
0 comments :
Post a Comment