Sa pag umpisa ng Enhanced Communiy Quarantine,limitado lamang ang pwedeng lumabas para bumili ng mahahalagang bilihin tulad ng pagkain, gamot at iba pa na may home quarantine pass na dala.

Sa sitwasyong ito halos huminto lahat ng trabaho maliban sa mga essentials na establisyemento para limitahan ang labas ng tao at maagapan kaagad ang pagkalat ng c0vid-19 sa bansa.

Bilang tulong naman ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya ay nagbigay ito ng ayuda sa kanila, para may magamit habang naka lockdown pa ang lugar nila.

Tanging mga Frontliners lamang ang syang kumikilos para sa kaligtasan ng lahat, gaya na lamang ng mga Doktor, Pulis, Sundalo, Pharmacist at ibang pang empleyado na nasa mga pamilihan at iba pang supermarkets.

Matuturing rin Frontliner, ang amo ng isang empleyado kung saan siya mismo ang pumunta sa bahay ng kanyang empleyado para ibigay ang natirang sahod at 13th month pay nito.

Ayun sa socmed post ni James Voltaire Carson, simula noong Lock down ay tumigil na rin ang kanyang empleyado sa pagtatrabaho kaya hindi niya na ibigay ang sahod nito.

“Since March 17, nung nag stop kmi operations dahil sa ECQ ay hindi ko na siya nakita. Hindi niya nakuha ang sweldo niya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay ay hindi niya rin nakuha” sabi ni James.

Ayun pa kay James nag alala siya kay Noel, kung saan isa ito sa kanyang mga empleyado. Si Noel, ay nakatira sa probinsya at mahirap itong kontakin dahil wala ito mismong cellphone na ginagamit.

“Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa syudad at isa pa wala rin syang cellphone” dagdag pa ni James.

Dahil dito ay napag disisyunan ni James na siya na lamang ang pumunta kung saan nakatira si Noel.

Maraming netizens naman ang humanga sa ginawa ni James.

Gamit ang kanyang angkas costume ay natagpuan niya si Noel sa San Pedro, Laguna. Maliblib ang lugar nito kaya naman pinagbutihan niyang hanapin ito.

Tuwang tuwa naman si James ng makita si Noel na nasa mabuting kalagayan ito gayundin si Noel, na hindi inasahan na talagang mismo ang kanyang amo ang nagbigay ng kayang naturang sahod at 13th month pay na talagang hinanap at pinuntahan sya ni James.

Talagang kahanga-hanga ang ganitong klaseng boss na iniisip palagi ang sitwasyon at kapakanan ng kanilang mga trabahante, makikitang abo’t langit ang ngiti naman ni Kuya dahil sa ginawa ng boss niya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment