Walang mas sasaya pa sa mga magulang na makitang nakapagtapos ang kanilang mga anak bunga ng kanilang paghihirap, at bilang anak walang katulad na saya kapag nagtagumpay ka mula sa ibaba.
Bawat tao ay may kanya-kanyang kwento sa pag ahon sa buhay ngunit mas naging makabuluhan ito sa mga taong nagsumikap mula sa hirap para makamit ang maginhawang bukas.
May isang post sa kilalang Peso Sense page tungkol sa pagbahagi ng success story ng isa sa apat na anak ng tricycle driver at mananahing nanay.
Ayon sa naturang post, naging working student ang apat na magkakapatid ng sila ay nag kolehiyo at dahil na rin sa pagsisikap ng mga ito ay nakapagtapos at nakapasa silang lahat sa board exam sa mga napili nilang kurso ng isang take lamang.
Ayon sa Filtimes, Electrical Engineer ang panganay na anak, Civil Engineer naman ang pangalawa, Math Teacher ang pangatlo at Mechanical Engineer ang bunso.
Binabalik-tanaw ng Panganay na anak ang buhay nila noon, ayon sa kanya natutulog silang lahat sa sala ng kanilang bahay at siksikan pa sila doon. Pero ngayon, sa napakalaki nilang mansyon ay may kanya-kanya na silang magarbong kwarto.
Ang kanilang tagumpay sa buhay ay isang malaking patunay na walang pwedeng humadlang sa iyong ambisyon kung ito ay iyong pagtrabahuan at maisakatuparan kapag tulong tulong ninyong abutin ito, masarap ang tagumpay kapag pinaghirapan at ginabayan ng Diyos upang makamit ito.
Marami ang na inspire at sumaludo sa tatag at sipag nila nanay na mananahi at tricycle driver na si tatay.
0 comments :
Post a Comment