Karamihan sa mga kabataan ay pihikan sa pagkain at kinailangan pang pilitin upang magkalaman lamang ang kanilang mga tiyan. Subalit, may isang balita sa social media kamakailan na talagang kumuha sa atensyon ng mga netizens.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Isang batang babae kung saan nasilayang kumakain ito ng buhay na ‘coconut worm’ o Batud na mula sa Surigao. Ibinahagi ang videong ito noong nakaraang linggo (April 6) at nagkaroon ng iba’t-ibang komento mula sa mga nakapanuod nito.

Kitang kita kasi sa video ang mga matataba at gumagalaw na batud na nagsigalawan sa plato habang kinakain ito ng bata.

Sinubukang kunin ng mas nakakatandang batang lalaki ang kinakaing batud pero umiyak ang batang babae.

Maririnig naman sa video ang boses ng tatay ng bata na ipapaligpit na ang pagkain at ang dahilan umano na umiyak ulit ang bata.

Video of toddler in Surigao eating live coconut worms gets 12M views | PEP.ph

Lumalabas sa video na ayaw mamigay ng batang babae sa mga batud na nasa plato at mukhang sarap na sarap pa ito.

Inulan naman ng kabi-kabilang mga komento ang nakitang video sa Facebook. Marami ang di natuwa sa nakitang post dahil sa umano’y hindi ligtas ang kinakain ng batang babae.

Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkakadismaya sa mga magulang ng bata dahil hindi tama ang ginawang pag-aaruga sa kanilang mga anak.

“Parents should make sure the food you give to your children are good. Sa pagkain nayan, the parents maybe out of there mind ibinigay nila sa anak nila yung hindi luto na pagkain. Butit hindi natakot yung anak niyo.”

“Ano yan? Nakakain ba yan? OMG.”

“Hee anu yan pinapakain sa bata hilaw.”

Dahil sa mga natanggap na masasakit na salita humingi ng tulong ang mag-asawa kay Raffy Tulfo dahil sa pamba-bash ng mga nakakakita sa video.

Agad naman tumugon ang programang Tulfo at ayon sa kanyang research, napag-alaman na edible ang coconut warm o batud.

Ang batud ay isang popular na delicacy sa Vietnam kung tawagin ay duong dua. “It is considered as invertebrate , gaya ng insects, sea urchin, crabs, lobsters. Iyan po ay nakakain,” sabi ni Raffy Tulfo.

Dugtong niya pa, “Makikita sa video at sarap na sarap ang bata. Edible naman talaga iyan. That is protein.”

Tinawagan din ni Raffy ang nutritionist ng Surigao at nakumpirma niya na edible ang batud at wala pang naibalita na nasawi dahil sa pagkain ng coconut worm.

May mga netizen din na nagpahayag ng kanilang positibong komento patungkol sa pagkain ng bata ng batud at sinabihan at pinatotohanan din nila na talagang edible ang batud dahil nasubukan na nilang kainin ang mga ito.

“Masarap kaya yan matamis tamis parang gatas.”

Sa iba pang bahagi ng Pilipinas, ang tawag naman nila dito ay Uok at bukod sa protina, masagana rin daw ito sa calcium at iron.

You May Also Read:

Larawan ng Sanggol na Taga Leyte Ibinahagi ng Netizen,Nakakaawa ang Kalagayan at Nangangailangan ng Tulong!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment