Likas na may mga taong masasama at nakagawian ng gumawa ng hindi mabuti upang magkaroon ng salapi. Tila walang mga konsensya sa kung sino man o ano man ang antas ng taong kanilang magawan ng hindi mabuti. Lalo na sa panahon ngayon na masyadong masalimoot at mahirap kumita ng pera, mas naging madami pa ang nabibiktima ng mga taong walang awa sa kanilang kapwa.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Isang masakit na karanasan ang nangyari sa sidecar driver, matapos na naging bikt1ma ng nakawan, nakuha ang kanyang sidecar ng mga magnanakaw na siyang nagsisilbi pa niyang tirahan at pangkabuhayan.
Isang netizens na nagngangalang Angelita Flores ang nagbahagi kung paano siya naawa sa lalaking sidecar driver na kanyang nakita, dahil nga sa wala na itong matirhan, idagdag pang wala man lang itong pamilya o kamag-anak sa Maynila na pwede niyang tuluyan.
Ayon nga sa naging pagbabahagi, ang sidecar mismo ang nagsisilbing tirahan ng lalaki, na kinilalang si Arman. At dahil nga nanakaw ang sidecar niya, ay naging kaawa- awa ngayon ang kanyang kalagayan, dahil nawalan na nga siya ng ginagamit sa kabuhayan niya, ay nawalan pa siya ng masisilungan. Dahil dito, ay nasa kalye na lamang ngayon si Arman.
Ikinwento ni Mang Arman kay NAgelita ang nangyrai at dahil nga sa kalye na lamang natutulog, kung saan ay napaka lamig ng semento na kanyang hinihigaan nagkaroon na ng sakit si Arman, nananakit na ang katawan nito at nahihirapan na rin itong tumayo, sobrang pananakit ng kanang balakang. May sugat din sa leeg na kita na ang pamamaga, at mayroon din itong lagnat, kung saan ay nanginginig na nga ito.
Dahil sa pakahabag sa lalaki, ay humingi ng tulong si Angelita sa mga taong may mabuting kalooban, na makakatulong upang ipagamot si Arman at mahanap ang sidecar nito na ninakaw.
“Kung meron po kayo mga damit na hindi na ginagamit pwede n’yo po i-donate kay Kuya Arman. Wala po kasi siyang masuot kundi yung binigay lang naming sa kanya”, ani Angelita. Sa ngayon umano, ay kinuha ng DSWD si Arman, upang ito ay ipagamot.
Marami naman ang nakabasa ng post ni Angelita at ibinahagi ito upang marami pa ang pwedeng makatulong.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment