Inakala nilang Simpleng Bola lamang na Palutang-lutang, Ngunit ng Maahon ay May Kakaibang Itsura, Na Nagbigay Aral sa Lahat.

Sa ating paglalakbay sa araw-araw hindi maiiwasang makakita tayo ng mga bagay na bago sa ating paningin at magpamangha sa atin. Sa lawak at laki ng mundo marami pang mga bagay na tiyak hindi natin nadidiskubre na ito pala ay pwedeng mangyari.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Mayroon kasing mag-asawa na nagulat sa kanilang nakita at di nila akalain na makakakuha sila ng ganuong bagay sa dagat. Plano lamang ng mag-asawa na mangisda sa isang isla na kung tawagin ay Wight, imbes na isda ang kanilang mabingwit ito ay isang bola, hindi lamang simpleng bola kundi ng hilahin nila pataas ay mayroong kakaibang bungkos ang nakakabit sa ilalim nito na siyang parehong bumigla at nagpatuwa sa kanila.

Ang sa una ay isang karaniwang bola lamang, nang ito ay iahon halos kalahati nito ay nababalutan ng bungkos-bungkos na talaba na makikitang nakapwesto ng maayos sa kalahating parte nito na mas nagpamangha sa kanila.

Hula ni Annie na maaaring matagal ng nagpalutang-lutang sa dagat ang natuklasang bola kung kaya ay sa katagalan nito tinirhan na ito ng bungkos-bungkos na talaba.

Nais man sana ng mag-asawa na iuwi ang kanilang nadiskubre mas minabuti na lang nila na panatilihin ito sa katubigan dahil maaaring sa susunod na ito ay makita muli kung hindi man sila ay buong bola na ang nababalutan ng talaba. Kaya kinuhanan na lamang nila ito ng litrato at inupload sa social media. Katulad nila marami din ang namangha sa kanilang natuklasan at umani ito ng mga komento na kung basahin ay sadyang natutuwa dahil bihira at iilan nga lang din ang makatuklas ng gaya nito.

Napamangha man tayo ng bolang ito ngunit dapat pa din natin isa-isip na may natatanging tirahang nararapat sa bawat nilalang sa lupa at sa karagatan. Kung kaya isang nakakaalarmang balita ang paglilipat tirahan ng mga nilalang na ito dahil marahil ibig sabihin nito ay unti-unting nawawala at nagugulo ang kanilang mga tirahan. Dahil sa kanila na din natin kinukuha ang mga pangunahin nating pangangailangan, isang malaking responsibilidad rin ng bawat isa na panatilihin ang bawat lahi ng mga nilalang na ito ang mabuhay.

Isa sa mga mahigpit na pinapaalala sa atin ay ang hindi pagtapon ng basura sa kung saan-saan lang lalong-lalo na sa dagat. Dahil sa huli, tao lang din ang magsisisi. Hindi lamang ito nakakamanghang bagay kundi ito ay nagbibigay sa atin ng sapat na aral na kailangan nating gawin.

You May Also Read:

Dating Kinukutya ay Isa ng Don ng Makatagpo ng Baul na Puno ng Kayamanan sa Construction Site, Subalit Di Niya Inaasahan ang Mapait na Kapalit.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment