Halos lahat ng tao naman daw ay nakaranas mangutang at magpautang. Walang masama sa pangungutang kung marunong ka rin namang magbayad sa itinakdang oras.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Marami ang aral na naging hatid ng salitang utang, doon mo makikilala ang tunay mong mga kaibigan, mayroong nasira ang pinagsamahan dahil dito, mayroon namang naging tunay na magkaibigan dahil maaasahan sa panahon ng pangangailangan.
Subalit, talagang nakaka-stress kapag naka experienced ka ng mangungutang na hindi marunong tumupad sa usapan at ang nakakainis ay hindi mo pa mahagilap kapag singilan. Kaya naman nakakatuwa ang naging estilo ng babaeng ito na kanyang inutangan ng hindi na niya makita pa ang umutang sa kanya.
Nakailang padala na rin kasi ng mensahe ang nagpautang na si “Nnayram Sanor” sa taong umutang sa kaniya ngunit tila hindi nito pinapansin at binabasa ang kaniyang mensahe. Naniningil kasi siya kung kaya naman ganoon na lamang ang pag-iwas nito sa tao na minsan nang nagtiwala at nagpautang sa kaniya.
Sa halip na magalit at ma-stress ay nakakatuwa talaga ang ginawa ng babaeng naniningil sa kaniyang sinisingil. Pinadalhan niya kasi ito ng larawan ng isang manika na mayroong itim na kandila sa tabi nito.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa tila pangungulam na gagawin sa kaniya sa oras na hindi siya makabayad. Kung kaya naman agad agad nang sumagot ang babaeng nangutang at sinabing magkita na sila dahil magbababayad na siya ng kaniyang utang.
Dagdag pa nga ng nangutang ay hindi na dapat pa umabot sa pangungulam ang kanilang napag-usapang utang kung kaya naman pinayo niyang itapon na lamang niya ang mga bagay na ito. Ang pangungulam o pambabarang ay isang uri ng “black magic” na kadalasang ginagamit para sa paghihiganti sa taong nagkasala o nakasakit sa iyo.
Sa pamamagitan nito ay tiyak na mapaparusahan ang sino man gamit lamang ang hibla ng buhok, o iba pang mga bagay na may kinalaman sa nais paghigantihan. Pwede nyo rin gawin ito para dun sa mga ayaw magbayad sa inyo. Epektibo pala.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment