Mainit pa rin na pinag-uusapan sa mundo ng social media ang video na king makikitang binaril ng pulis ang mag-ina nitong kapit-bahay.



Ayon sa mga interview, nag ugat umano ang alitan ng dalawang panig sa right of way, kung saan dapat ay bibigyan umano ng daan ang sasakyan nito pero hindi ito nasunod. 

Kung kaya't nagtanim umano ng galit ang pulis sa mga biktima.

Narito ang pahayag ni Municipal Police chief Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa.

“Napag-usapan na 'yan pero hindi natapos 'yung usapin diyan. Although may linaw na raw na dapat …napagkasunduan is bibigyan, na makakadaan ang sasakyan,” 

“Hindi naman nasunod kasi nga noong nagbago ang suspek natin, medyo maliit 'yung naiwan. Hindi kasya ang sasakyan. So 'yun po ang pinagtatalunan nila,” 

Samantala, habang nangyayari ang komusyon ng dalawang panig muling nabuksan ang tungkol sa right of way kung kaya't nauwi sa ganito ang nangyari.

Samantala, sinisisi naman ng mga netizens ang spoiled brat na bata na naging dahilan umano para ma triggered ang ama nitong pulis na barilin ang mag-ina.

Dahil sa nangyari trending sa twitter ang mga hashtags na ito.




Source: Bronze Channel

About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment